RK Bagatsing on transferring to rival network GMA-7: "I never entertained that thought..."

IMAGE Noel Orsal

RK Bagatsing (in photo) reveals how his older brother Raymond Bagatsing helped him cope with showbiz.


Isa si RK Bagatsing na matuturing na masuwerte sa hanay ng mga aktor ngayon dahil sunod-sunod ang mga teleseryeng ginagawa niya.

Nagsimula sa Be My Lady, sinundan ng Wildflower at ngayon naman ay mapapanood siya sa ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi bilang si David.

Sa panayam kay RK sa presscon ng Precious Hearts Romances presents Araw Gabi, labis ang pasasalamat ng aktor sa sunod-sunod na proyekto na pinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

"Sabi ko nga sa isang interview ko, baka ako ang lucky charm? Hahahaha! Di naman sa favorite. Sa Be My Lady, nag-hit yung Be My Lady, my first teleserye with Erich [Gonzales]. Nakita ng mga tao yung chemistry ng team, ng pamilya.

"After nun, nag-Wildflower tapos nag-hit din, so far nabigyan ako ng opportunities to showcase my talent kay Arnaldo and tumatak din yung character.

"Nung pinitch sa akin yung role, I think may iba naman silang kinonsider na actors. I think kailangan nila na something na mapagkakatiwalaan na support para mas maging buo ang support. Kumuha na sila sa team ng Wildflower na feeling ko na-prove namin isa-isa ang kaya naming gawin dun sa show. Binigyan ako ng chance uli to showcase that."

Tinanong namin kay RK kung ano sa palagay niya ang edge niya sa ibang aktor at di siya nababakante sa trabaho.

"Di ko alam, sabi ko nga lahat naman may commitment, may passion, may talent, may looks. It's just that binibigay ko lang talaga ang lahat in terms of nandiyan na at hand and I willing to work with ny directors, willing to listen, willing to fill the holes or gaps dun sa character. I don't think I have something na wala dun sa iba, it's just that nabibigyan lang talaga ako ng pagkakataon and I'm thankful for that."

Naisip ba ni RK na lumipat sa rival network?

Kamakailan ay lumipat ang kanilang Wildflower co-stars na sina Sunshine Cruz at Wendell Ramos sa GMA-7. 

Ani RK, "Di ko naiisip pero kay Ms. Shine at kay Wendell, I fully support them because they are breadwinnners. Si Ms. Shine sinusuportahan niya yung kids niya and si brother Wendell ay ganun din.

"We don't know kung kailan tayo magkakaroon right after teleserye, maybe there's something...they have some things they have to take care of, financially.

"Nakakausap ko naman sila and I think they all parted ways na okay. No hard feelings and I think babalik din sila. I fully support them pero ako I never entertained that thought kasi so far I'm thankful sa binibigay sa akin ng ABS-CBN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited na ang aktor sa kanilang show na mapapanood sa Kapamilya Network simula April 30.

"I'm very thankful, I'm looking forward nga, actually ngayon kinakabahan ako kasi nakita ko yung trailer. Ang galing nila, bagay ang chemistry nila, and somewhere papasok ako, worried ako on how my character will relate to them. As an actor ngayon ko pa lang sila makakatrabaho, its something I need to work on, kailangan kong mag-catch up sa kanila.

"Kinakabahan pero at the same time excited."

"I'm David, di ko masabing kontrabida pa. At one point magkakaroon kami ng conflict ni JM at hindi rin maaalis na mabibighani tayo sa character ni Barbie somewhere."

Kapatid si RK ng aktor na si Raymond Bagatsing. Ayon kay RK, napakalaking bahagi ng kapatid kung nasaan man ang career niya sa ngayon na masayang-masaya pala sa magagandang nangyayari sa kanya.

"First of all I learned from him. I grew up watching him, sa lahat ng area ng career niya, tiningnan ko siya as an example. Yun na lang siguro and edge ko, sa kanya wala siyang tiningan na example growing up. Sa akin, naging parang mentor ko siya so in all angles tiningnan ko what could work for me, hindi yung hindi magwo-work sa akin.

"For him as an example, yun lang ang kinuha ko, kumbaga mayroon akong template. Kung may mga edges na di puwede, iniwasan ko."

"We're family, of course, he's very happy. Out of nowhere magte-text na lang 'yan, 'congratulations.' Kasi alam din niya ang stuggles ko, e.

"Nung nago-audition ako way back, siya yung isa sa kinakausap ko or my main go-to guy. [Sinasabi ko sa kanya], 'ano ba ito, ang hirap naman.' 

"Hindi niya ako binigo, lagi niya akong ini-encourage that I can do it, lagi niya akong pinu-push na wag akong tumigil. Kung nasaan man ako ngayon, he's part of that."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN