Migo Adecer cannot believe Rhian Ramos's lines in The One That Got Away

IMAGE Migo Adecer Instagram

Migo Adecer on one of Rhian Ramos's naughty dialogues in the Kapuso sexy romcom The One That Got Away:  "I was, like, 'Did she just say that? Oh, my God! It was on the script?' It was on the script!"


Si Rhian Ramos ang paborito ni Migo Adecer among the female cast members ng The One That Got Away o TOTGA.

Hindi lang daw sila sa kuwento ng naturang Kapuso prime time series close dahil magkapatid ang roles nila, kundi maging sa totoong buhay.

Ani Migo, “Not only in taping, we have this kind of connection as brother and sister at super dynamic po kami, we’re very organic, it’s not fake.

“But then also, out of work, we talk about music, and she was actually sweet enough to bring back some [edible] insects, kasi hindi pa ako nag-try, sa Thailand.

“She was able to give me some.”

Nagbakasyon si Rhian sa Thailand kamakailan at nag-request si Migo ng pasalubong na mga Thai exotic delicacies na insekto.

Kuwento ni Migo, “Grasshoppers, silkworms...

“Well, the silkworm tastes like parang isaw para sa akin.

“Yung grasshopper, super-crunchy po siya.”

Nakapunta na sa Thailand si Migo pero scorpion pa lang daw ang nasubukan niyang kainin doon.

Sinubukan daw niyang ialok ang mga naturang exotic food sa mga tao sa set ng taping nila ng The One That Got Away, pero may mga umayaw rito, tulad na lang ng direktor nilang si Mark Sicat dela Cruz.

“Pero si Ivan Dorschner, nag-try. Si Jason Abalos, nag-try; si Rhian nag-try.”

Parang younger brother daw talaga ang tingin sa kanya ni Rhian.

“She’s very light and bubbly, very easy to work with, she has a great personality.

“Madali siyang makasundo, she keeps a conversation alive,” paglalarawan ni Migo sa pagkatao ni Rhian.

BIGGEST BREAK. Pangatlong GMA series ni Migo ang The One That Got Away. 

Nauna siyang napanood sa Encantadia at sumunod sa My Love From The Star.

In terms of exposure, ang TOTGA raw ang pinakamalaki niyang break sa acting.

Ang manager ni Migo ay ang Pop Diva na si Ms. Kuh Ledesma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya ikukumpara sina Rhian at Jennylyn Mercado, na gumanap namang ate niya sa My Love From The Star (MLFTS).

“Mas crazy yung ate ko ngayon sa show!” sagot ni Migo sabay tawa.

So, crazy si Rhian?

“No, si Zoe,” pagtukoy niya sa role ni Rhian sa The One That Got Away.

Crazy rin naman si Jennylyn as Steffi noon sa MLFTS. 

Paliwanag ni Migo, “[Jennylyn's] character as Steffi wasn’t as sexual as Zoe is in the show.

“So I feel like the craziness in My Love From The Star was PG [Parental Guidance] unlike ito, because it is really branded as a sexy rom-com.

“May mga scenes na sobrang, like, ‘Talaga, ginawa mo yun? Are you sure nasa script mo yun?’

“There was one line between her [Rhian as Zoe] and Liam [Dennis Trillo], and I watched the take myself, I was drinking water, and I genuinely spat out my water just because I was, like, ‘What?!’

“She bought a cake for Liam, it was his birthday, and before he blew it out, Zoe blew it out and Liam said, ‘Why’d you do that?’

“And then Zoe said, ‘What can I say? I’m really good at blowing!’

“I was, like, ‘Oh my God!’”

At naibuga nga raw ni Migo ang iniinom niyang tubg.

“Yes! I was, like, ‘Did she just say that? Oh, my God! It was on the script?’

“It was on the script!”

Pagkatapos daw noon ay pumunta si Migo sa tent niya para tumawa.

“If I laughed on the set, masisira yung take.”

Kung si Migo ay si Liam at may babaeng magsasabi ng ganoon sa kanya, ano ang magiging reaksiyon niya?

“When and where!” at pilyong tumawa si Migo.

Single si Migo ngayon kaya't tinanong namin kung ano ang nangyari sa huli niyang pakikipagrelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I honestly don’t wanna talk about it,” ang nakangiting pag-iwas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN