Rhian Ramos admits closeness to screen bro Migo Adecer

IMAGE Courtesy of GMA Network

Rhian Ramos and Migo Adecer get cozy like siblings on the set of The One That Got Away.



Naging parang magkapatid na rin ang turingan nina Rhian Ramos at Migo Adecer sa isa’t isa habang gumaganap sila bilang half-siblings sa The One That Got Away ng GMA-7.

Si Migo ang Ultimate Male Survivor ng Season 6 ng StarStruck noong 2015 at kasalukuyang mina-manage ng Pop Diva na si Kuh Ledesma ang kanyang showbiz career.

Ayon sa kanya, si Rhian ang paborito niya among the cast ng teleserye nila.

Mula naman sa kanyang biyahe sa Thailand ay pinasalubungan ni Rhian si Migo ng mga insekto at exotic delicacies na sikat doon.

Kuwento ng aktres, “It’s so funny, kasi a lot of people when I ask them, ‘What do you want?’

“Lagi silang magdyu-joke ng either ‘Elephant! Scorpion! He! He! He!’ Parang ganun, yung joke lang.

“So, sabi sa akin ni Migo, scorpion; nagte-text kami one night nung nandun ako.

“And then naisip ko, actually, may mga pritong scorpion dun, na-try ko na, e.

“Pero dun sa province kung saan nakatira yung dad ko, wala, more of a touristy thing kasi yung scorpion, e.

“Nakahanap naman ako, ’tapos may crickets, worms, grasshopper… kumuha ako ng combo nun.

“Bumili pa ako ng Tupperware kasi naka-paper bag lang yun, sabi ko, ‘Kailangan ko itong mauwi ng Pilipinas!’

“Gumawa ako ng video kasi hindi kami agad nagkita sa taping dito na sa Pilipinas, baka mapanis bago pa umabot kay Migo.

“So gumawa ako ng video, tinag ko siya sa Instagram, ’Bro-bro, eto, kakainin ko na!’ Pinapakita ko yung iba-ibang bugs.”

Nakarating naman daw kay Migo ang pasalubong ni Rhian in good condition, “Pinapak niya!”

Sabi pa ni Rhian, “Sa video niyayabang ko lang sa kanya, pero isa lang… isang grasshopper, isang worm, isang cricket

“Na-try ko na before, parang first few times ko sa Thailand, ano, e, sumabog yung utak ko nung nalaman ko puwede pala yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong recent parang ginagawa ko lang siya para iyabang ko lang kay Migo… dalawang klaseng cricket yun.

“Yung sa akin trip lang, yung sa kanya, talagang pinapak niya.”

Samantala, bida rin sina Max Collins, Lovi Poe, Ivan Dorschner, Jason Abalos, at Dennis Trillo sa The One That Got Away.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN