Will Gil Cuerva have a topless scene in his show with Julie Anne San Jose?

IMAGE Noel Orsal

Gil Cuerva will have a song number for the GMA-7 daytime series My Guitar Princess. 



Halos anim buwan nang hindi napanood sa TV ang GMA-7 actor na si Gil Cuerva matapos niyang magbida sa My Love From The Star na natapos noong August 2017.

Si Gil ang gumanap sa papel ni Matteo Do sa Kapuso remake na ito kunsaan nakapareha niya si Jennylyn Mercado na gumanap naman bilang si Steffi Chavez.

Ngayong May 7, muling mapapanood ang 22-year-old Kapuso heartthrob sa daytime series na My Guitar Princess.

Makakasama ni Gil sa musical romantic-comedy series na ito sina Julie Anne San Jose, Kiko Estrada, Sheryl Cruz, at marami pang iba.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Gil sa April 26 media conference na ginanap sa GMA Network Center.

Dito ibinahagi ni Gil na mas handa na siyang gampanan ang kanyang karakter.

Aniya, "During this time, I made it a point to really improve on myself kasi I wanted to really prepare well for my next show.

"Yun nga, sa My Love From The Star, hindi ko in-expect a... I mean I just auditioned for trying my luck, and hindi ko in-expect na ako yung makukuha.

"In terms of being prepared, medyo kulang pa and now I really want to make sure na pagdating ng next show ko, I was ready and that my feet are wet.

"At saka mas kalmado na ako, mas relaxed ako."

Nakapag-focus din ito sa kanyang acting workshops matapos ang MLFTS.

Kuwento ni Gil, "I've been taking workshops under Miss Ana Feleo who's teaching the Erik Morris method.

"So may continuity pa rin na natutunan ko from Anthony Vincent Bova."

MY GUITAR PRINCESS. Isang Filipino-Canadian pop star na nagngangalang Elton ang gagampanang karakter ni Gil sa My Guitar Princess.

Mas nakaka-relate daw si Gil sa karakter niya na ginagampanan niya.

Paliwanag ng Kapuso talent, "Emotion wise, I think mas malapit yung character ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In a sense na passionate siya sa kanyang you know... for me, he's passionate sa music.

"Ako kasi sa acting, so we're both passionate about our work. So I guess, yun ang isa sa mga similarities namin.

"More than that, I think also the way we respond in certain situations, parang mas malapit sa personality ko as Gil Cuerva."

Ano ang pinagkakaiba ng karakter niyang si Elton sa karakter niya na si Matteo sa MLFTS?

"First of all, si Matteo, even if he looks like he's only 25, 300 years old na siya, di ba?

"So ibig sabihin nun, he's very wise, competent. Meron siyang overall objective which is to go back sa planet niya. Parang wala siyang time to deal with anything so very stoic siya.

"Elton is a very passionate and fiery person. I say fiery kasi parang he's only 20 years old, and when you're 20 years old you're at that stage na may gusto kang i-prove not just to everyone but to yourself.

"Parang you wanna prove to yourself na, 'Hindi kaya ko 'to,' 'Magaling naman ako,' or 'I can do this.'

"Actually discovering pa lang who I am when you're 20 years old pa lang versus pag 300 years old ka na, I assume you already have a good knowledge of who you are."

VOCAL TRAINING. Bilang isang pop star ang kanyang karakter na ginagampanan, isa sa mga pakaabangan ng kanyang mga fans dito ay ang kanyang mga song numbers.

Sa ngayon, isa pa lang ang nashu-shoot nitong eksena kung saan kailangan nitong kumanta.

Ayon kay Gil, humingi siya ng tulong sa kapwa Cornerstone talent na si Thor Dulay upang maging vocal coach nito.

Aniya, "He's also from Cornerstone so we've met each before... parang we're bros in a way. Friends naman kami.

"I think it makes it easier when I'm learning from not only someone who's extremely talented but also a friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman kaya ang mga natututunan niya kay Thor pagdating sa pagkanta?

Sagot ni Gil, "When he teaches me, parang he just tries to correct yung tone ko, or like when I'm getting out of tune parang it's more specific, what he corrects or what he teaches me.

Dagdag pa nito, "Confidence siguro, i-own ko lang na when I'm singing, I'm singing because I can sing, yung ganun. That's what he tells me.

"Though yun nga, the confidence is yet to get there but eventually, I think it will get there."

Tinanong din ng PEP.ph kung humingi rin ba siya ng tulong kay Julie Anne bilang isa rin itong mang-aawit.

Ayon kay Gil, si Julie Anne na mismo ang nag-offer ng kanyang tulong kung sakaling kailanganin niya ito.

"Well, she offered. Julie is the one who offered na nga, e. You know, she's like, 'I'm here if you need help lang.'

"I would definitely ask her for help if I need help."

SEXY IMAGE. Samantala, isa sa mga pinakaaabangan ng mga fans ni Gil ay kung meron ba itong shirtless scene sa kanyang bagong drama series.

Naging usap-usapan kasi sa social media ang shower scene nito sa My Love From The Star kaya naman marami ang nabighani sa ganda ng katawan nito.

Ayon kay Gil, baka magkaroon siya ng topless scene sa My Guitar Princess ngunit paglilinaw nito, ayaw niyang makilala siya na isang sexy actor.

Paliwanag pa ng Kapuso heartthrob, "I just don't want to overdo it pero I guess I'm comfortable naman in my own skin and it goes along with working out a lot.

"But I wouldn't want to reach a point na puro shirtless ako, that people would always think of me na parating naghuhubad.

"I wouldn't want to be those people na parating nagpo-post sa Instagram na palaging hubad, na lahat na lang kailangan hubad sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think I'd look any more manly by doing that. I mean I would be shirtless for the role, for the scene but not to the point na parati akong naghuhubad."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN