Megan Young proud of good onscreen chemistry with The Stepdaughters co-star Katrina Halili

IMAGE Rose Garcia

Megan Young on her The Stepdaughters co-star Katrina Halili: "No, Kat and I have a very, very good working relationship. And makikita niyo naman yun sa scene. Makikita niyo ang chemistry."


Sinabi namin kay Megan Young na may mga artistang gumaganap na bida at kontrabida sa serye na yun pala, kahit sa likod ng kamera ay hindi rin magkasundo o nag-uusap.

Ito ang dahilan kaya kinumusta namin ang working relationship nila ng kanyang The Stepdaughters co-star na si Katrina Halili.

Pabiro niyang hirit, “Si Kat yung marshmallow ko.

“Palagi akong nanggigigil sa kanya.”

Biro namin kay Megan, baka naman nagpaplastikan lang din sila?

“Naman!” natatawang sabi rin niya.

“No, Kat and I have a very, very good working relationship.

“And makikita niyo naman yun sa scene. Makikita niyo ang chemistry.

“For me, kung ilang ako sa isang tao, makikita yun.

“Pero hindi ako naiilang kay Kat kasi, nagagawa namin nang maayos at mas maganda pa ang mga eksena namin dahil magkaibigan kami.

“And for me, that really helps na maayos kayong magtrabaho, maganda ang working relationship niyo.”

Dugtong pa niya, “At isa pa, nagdadala si Kat ng 'brokies'—pinagsamang cookies at brownies.

“Siya ang nag-bake, sobrang sarap.

“At saka, very malambing si Kat.

“Siya ang parang ate namin.”

Pero kung titingnan silang dalawa, parang opposite ang personalidad nila, di ba?

Pahayag niya, “Hindi rin naman nagkakalayo masyado. Mas mahiyain lang si Katrina.

“Hindi halata na mahiyain, pero sobrang mahiyain siya. Kapag pine-praise siya, naiiyak siya.

“Tuwang-tuwa ako sa kanya, kasi very genuine ang personality niya.

“Yung pagka-mahiyain niya, it’s just that, very humble.

“Actually, nagulat ako, kasi yung makikita niyo sa TV na matapang, pero hindi pala, she’s such a sweet person.

“Actually, ayaw na ayaw niyang kinu-compliment siya.”

NOT RUSHING TO TIE THE KNOT. Kahit na marami na raw ikinakasal sa mga malalapit na kaibigan nina Megan Young at ng boyfriend niyang si Mikael Daez, wala raw nararamdamang inggit si Megan.

“Happy ako for them,” nakangiting pahayag ni Megan nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng The Stepdaughters noong April 25 sa Heroes Hill, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Weddings always bring tears in my eyes kahit hindi ko kilala yung tao.

“Pastime ko na manood ng [wedding] videos.

“I just like seeing people happy. Something that makes me happy.

“Yung mga wedding videos, kini-click ko mga ganyan.

“Dati, gusto ko talagang gumawa ng wedding video.

“But it’s really hard work, so I just enjoy watching them.”

Sa ngayon, ine-enjoy niya raw muna manood ng mga weddings.

“No pressure naman sa amin ni Mikael na magpakasal.

“We’re both busy with work.

“Enjoy-enjoy na lang muna and when the time comes, yun na yun,” saad niya.

NO TO LIVING-IN. Hindi maiwasang ma-isyu sila ni Mikael na diumano’y nagli-live in na lalo na nung lumipat si Mikael sa bagong bahay niya at may mga post din siya na nandoon si Megan.

Lahad niya, “Hindi naman.

“Siguro akala lang nila dahil minsan, madalas siya sa house ko or minsan, madalas ako sa house niya.

“Hindi naman malabong mangyari na isipin nila yun.

“Iisipin nila yun kasi, napapadalas kami sa bahay ng isa’t isa.”

Kung tungkol sa pagli-live in, naniniwala si Megan na okey naman daw sila ni Mikael sa pitong taong relasyon nila na may kanya-kanya pa rin silang bahay na inuuwian.

Paliwanag niya, “I think sa ngayon hindi na muna, kasi whatever arrangement we have now na may sarili kaming place, that works for us.

“I respect other people who are living-in together.

“That’s their decision, that works for them.

“Pero sa amin, okey kami sa ganitong set-up.”

WORKING WITH MIKAEL. Ilang buwan na rin silang magkasama ni Mikael sa trabaho dahil nga sa afternoon prime nila na The Stepdaughters.

Mas masarap bang magtrabaho na yung totoong boyfriend ang leading man niya?

Aniya, “Sobrang happy ako kasi palagi kaming sabay sa taping.

“Puwede niya akong sunduin sa house kasi on the way naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yun ang masaya. It’s fun working with Mikael kasi, hindi ako nahihirapang mag-adjust.

“Hindi ako nahihiya sa kanya sa ngayon.

“So, it’s nice having somebody there to support me lalo na kapag may mga eksenang mahirap.

“Madali nang mag-motivate. Namu-motivate niya 'ko.”

NOT WATCHING MIKAEL'S INTIMATE SCENES. Kinumusta naman namin si Megan sa mga eksenang intimate sina Katrina at Mikael.

“Ako, go lang ako.

“Pero hindi ako nanoood,” natawang pag-amin niya.

“Go lang ako, gawin niyo ang eksena, siyempre, kailangan yun for work.

“Kailangan naman talagang gawin yun.

“Pero hindi ko lang talaga kayang manood kapag kiss, kasi parang nahihiya ako.

“Actually, kahit anong kissing scene ni Mikael, never akong nanood.

“Siguro once lang, kapag mga teaser sa movie. Parang ibang tao kasi siya.

“Hindi naman ako nagseselos, pero parang, 'Gosh, si Mikael ba ‘yan?'

“Okey lang ang kiss, I can get over that. Pero kapag may kaharap siyang ibang tao, parang iba.

“So siguro, para hindi lang ako ma-weirduhan.”

Sanay kasi siyang siya lang ang kini-kiss?

“Hindi naman, hindi naman,” natawa niyang sabi.

“Parang nawi-weirduhan lang ako kapag may iba siyang kasama.”

Si Mikael din naman daw ay hindi pinapanood kapag siya naman ang may ibang ka-kissing scene.

Pag-amin niya, “Actually, akala ko noong una, 'Hindi, showbiz ako, okey lang ‘yan.'

“Pero hindi, nakakahiya, may ka-kiss siyang iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN