Lovi Poe on Dennis Trillo as co-star: "Tahimik, but very giving."

Lovi Poe is happy that viewers accepted her tandem with Dennis Trillo in The One That Got Away.



Masaya si Lovi Poe na tanggap ng mga fans ang tandem nila ni Dennis Trillo sa The One That Got Away.

Sa pelikula ay nagkasama na sila ni Dennis sa My Neighbor’s Wife pitong taon na ang nakalilipas.

At ngayon sa telebisyon, “I’m very happy kasi first time naming magkapareha ni Dennis  sa TV… everything’s fresh and brand new.”

Ayon pa kay Lovi tungkol sa GMA-7 actor, “Tahimik, but very giving. Pag kaeksena mo, wow!

"Kasi he’s so quiet, di ba? Pero kapag kaeksena mo, nagsi-shift, ang galing!

“He’s so nice, he’s so giving as a co-actor.”

Magtatapos na ang teleserye sa kalagitnaan ng Mayo, ano ang mami-miss ni Lovi sa The One That Got Away?

“Everyone’s craziness sa set! Lahat crazy, e, which is a good thing.

Pati raw ang “craziness” ng director nilang si Mark Sicat dela Cruz ay mami-miss ni Lovi.

“Everyone, like, makukulit, lahat talaga,” at tumawa si Lovi.

Bida rin sina Rhian Ramos at Max Collins sa The One That Got Away. Major din ang roles dito nina Jason Abalos, Migo Adecer, Ivan Dorschner, at si Snooky Serna.

Isa namang closet gay ang role ni Renz Fernandez dito na naugnay sa karakter ni Lovi.

Sa tunay na buhay ay never pa raw naligawan si Lovi ng isang bading o isang nagpapanggap na lalaki.

“Parang wala naman. Nag-isip talaga,” ang tumatawang sabi ni Lovi, “Baka hindi ko lang alam?

“Joke, no wala naman, so far lahat naman sila ay very…”

Happy si Lovi na sa The One That Got Away ay napagsasabay niya ang magpatawa at magpaiyak ng viewers.

“Ang sarap ng feeling! Kasi nagpapatawa ako pero umiiyak at the same time.”

Ngayong taong ito ay malamang na walang summer escapade si Lovi.

“Kasi taping, e... hindi pa until further notice,” at tumawa ang Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan naman gustong magbakasyon ni Lovi kung sakali?

“Hmm, depends, baka Europe ulit; every year ako nasa Europe, maybe, if given the chance.”

May dalawang pelikulang gagawin si Lovi. Ang isa ay para sa Regal Entertainment kaya ihahanap pa raw niya ng bakanteng oras ang pagbabakasyon.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN