Yassi Pressman gets asked: Will Ang Probinsyano air until August or September 2018?

IMAGE Noel Orsal


Katakut-takot ang pamba-bash na tinanggap noon ni Yassi Pressman nang magdesisyon ang karakter niya bilang Alyana na iwanan na si Cardo, papel na ginagampanan ni Coco Martin sa Ang Probinsyano.

Pumasok si Alyana sa pakikipagrelasyon kay Marco na siya namang karakter na binibigyang buhay ni JC Santos sa ABS-CBN prime-time series.

Ayon kay Yassi sa panayam namin sa kanya sa ASAP kamakailan, hanggang sa ngayon ay may ilan pa ring pamba-bash tinatanggap siya mula sa ibang netizens pero malaki na rin ang nabawas nito dahil sa tinatakbo na rin ng istorya ng Ang Probinsyano.

"Mayroon pa rin pero di na ganun ka-strong tulad ng dati. Ngayon kasi sa kuwento, si Alyana alam niya na na di siya sigurado sa mga ginagawa niya, sa mga nagong desisyon niya kaya ngayon medyo mas naiintindihan na ng mga tao.

"Madalas naman di ko na gaanong binabasa, pero pag nababasa ko, inaccept ko na lang at nirerespeto ko ang opinion nila. For us in a way, masaya kami dahil attached sila sa mga characters namin.

Pumasok ang karakter ni Jessy Mendiola sa teleserye bilang si Andy na mukhang magiging love interest ni Coco sa istorya. Marami tuloy ang nagtatanong kung tapos na raw ba talaga ang tambalang Cardo-Alyana sa teleserye?

"Cute din naman yung side nila pero panoorin na lang ying mga susunod na mangyayari."

Balita na hanggang Agosto o Septyembre pa daw ngayong 2018 ang itatagal ng Ang Probinsyano sa ere dahil sa consistent high ratings ng show.

"Hanggang ngayon masayang-masaya pa rin kami sa lahat ng sumusuporta ng Ang Probinsyano, dahil sa kanila, gabi-gabi pa rin silang nanonood kaya nandito pa rin kami.

"Wala pa ring sigurado, depende pa rin kung maraming gustong manood, tutuloy pa rin namin."

Ang Probinsyano ang maituturing na nagsilbing comeback kay Julio Diaz sa telebisyon kung kaya't naging visible na ito sa mga shows ng ABS-CBN. Hiningan namin ng reaksyon si Yassi sa pagkakadakip muli ng aktor dahil sa paggamit ng droga.

"Wala akong alam. Di ko alam ang tungkol diyan kaya di ako makakapag-comment," ani Yassi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN