Stephanie Dods makes it to Final Two of reality design competition The Apartment: Passion for Design

Fil-Australian model Stephanie Dods made it to the Top Two of the reality design competition The Apartment: Passion for Design. She goes up against Malaysian designer Rachel Lee for the finals scheduled on May 24.


Umabot sa Final Two ng reality design show na The Apartment: Passion For Design ang fiancée ni KC Montero na si Stephanie Dods.

Si Stephanie ay isa sa tatlong Pinoy na nakasali at nakikipaglaban sa iba’t ibang Asian contestants sa sixth season ng reality design competition na nagsimulang umere sa Sony Channel noong March 22.

Stephanie was born in New Zealand kunsaan nanalo ito bilang Miss New Zealand at lumaban sa 2007 Miss World.

Siya ay isang fashion buyer at designer based in Australia.

Ayon sa Fil-Kiwi model, nag-transition siya mula sa pagiging beauty queen to an interior designer.

Well-traveled si Stephanie kaya lahat ng makita niyang kakaibang elements mula sa kultura ng iba’t ibang bansa ay nilalagay niya sa kanyang projects.

MOST-HATED CONTESTANT. Isa si Stephanie sa most-hated contestants ng The Apartment.

Kahit saan siya isamang grupo ay may nasasabing hindi maganda sa pag-uugali ng former beauty queen.

Pero katuwiran ni Stephanie, nangingibabaw lang daw kasi ang passion niya for interior design, kaya dahil dito ay gusto niyang maging perfect ang lahat—mula sa kulay sa pader hanggang sa pagpili ng mga furniture.

Kaya hindi raw maiwasan na mag-clash sila ng kanyang mga kasama sa team dahil sa nakasanayan niyang style ng pagtatrabaho.

Bukod kay Stephanie, umabot din sa Top Four ang kapwa Pinoy contestants niyang sina Eugene del Rosario at Jesy Cruz.

MAIN CONTENDER. Ang makakalaban ni Stephanie sa finals ng The Apartment ay ang makeup artist na si Rachel Lee from Malaysia.

Isa rin itong fashion designer, interior decorator at events planner.

Si Rachel ang matinding kalaban ni Stephanie dahil sa husay din nito sa pagpili ng concept kung paano bubuuin nang maayos ang isang room challenge nila.

Ang finals ng The Apartment: Passion For Design ay magaganap sa May 24 sa AXN/Sony Channel. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN