Gladys Reyes misses doing kontrabida roles: "Nakakamiss din yung manakit minsan."

IMAGE Noel Orsal

Magsisimula na ang bagong teleserye ng GMA-7 na Inday Will Always Love You ngayong gabi, May 21, 2018. Masaya ang isa sa mga bida ng palabas na si Gladys Reyes na muli siyang gumaganap bilang kontrabida dahil na-miss daw niyang manakit sa telebisyon. 



Kilala si Gladys Reyes bilang isa sa pinakamagaling na kontrabida sa mundo ng pelikula at telebisyon.

May mangilan-ngilan naman siyang proyekto na hindi kontrabida ang kanyang ginagampanang papel.

Kaya daw nami-miss niya ang pagiging kontrabida sa isang teleserye.

Kuwento pa ni Gladys, “Last serye ko dito [sa GMA], Oh, My Mama! [na hindi ako kontrabida].

“Actually matagal-tagal na po akong hindi nanakit. Namiss ko na. Nakakamiss din e,  nakaka-miss din yung manakit minsan.

“Nakakamiss din minsan kasi alam mo comfort zone ko yun at alam ko naman paano manipulahin yun.”

Sa bagong teleserye na Inday Will Always Love You na magsisimula na ngayong gabi, May 21, sa GMA Telebabad, kontrabida ang papel ni Gladys.

Siya ang gaganap sa papel ni Amanda na magpapahirap sa karakter ni Happy Lou, na gagampapanan naman ni Barbie Forteza.

Pero kahit daw na nang-aapi siya sa kanyang mga projects, nagiging malapit na kaibigan naman daw niya ang mga artistang kanyang napapahirapan sa likod ng kamera.

Dagdag pa ni Gladys, “So palagay ko, yun din ang maganda kasi lahat nang inapi ko in the past naging kaibigan ko sa totoong buhay.”

Our official hashtag for today #IWALYBonggangPilot

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) on




ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN