Kilala si Gladys Reyes bilang isa sa pinakamagaling na kontrabida sa mundo ng pelikula at telebisyon.
May mangilan-ngilan naman siyang proyekto na hindi kontrabida ang kanyang ginagampanang papel.
Kaya daw nami-miss niya ang pagiging kontrabida sa isang teleserye.
Kuwento pa ni Gladys, “Last serye ko dito [sa GMA], Oh, My Mama! [na hindi ako kontrabida].
“Actually matagal-tagal na po akong hindi nanakit. Namiss ko na. Nakakamiss din e, nakaka-miss din yung manakit minsan.
“Nakakamiss din minsan kasi alam mo comfort zone ko yun at alam ko naman paano manipulahin yun.”
Sa bagong teleserye na Inday Will Always Love You na magsisimula na ngayong gabi, May 21, sa GMA Telebabad, kontrabida ang papel ni Gladys.
Siya ang gaganap sa papel ni Amanda na magpapahirap sa karakter ni Happy Lou, na gagampapanan naman ni Barbie Forteza.
Pero kahit daw na nang-aapi siya sa kanyang mga projects, nagiging malapit na kaibigan naman daw niya ang mga artistang kanyang napapahirapan sa likod ng kamera.
Dagdag pa ni Gladys, “So palagay ko, yun din ang maganda kasi lahat nang inapi ko in the past naging kaibigan ko sa totoong buhay.”
Featured Searches: