Jennylyn Mercado points out why she has remained a loyal Kapuso for 15 years

IMAGE Mark Atienza


Tinanong ng media si Jennylyn Mercado tungkol sa sinasabi ng ilang bashers na iginaya ang The Cure ng GMA-7 sa Hollywood series na The Walking Dead na tungkol sa mga zombies.

“Ibang-iba naman siya sa The Walking Dead!" bulalas ng Kapuso actress.

“Hindi naman zombies ang sa amin, infected, parang nagka-rabies.”

Ang The Cure ay kuwento tungkol sa isang experimental drug na pumapatay ng cancer cells pero ang side effect naman ay ang mutation ng mapanganib at nakahahawang virus na Monkey Virus Disease or MVD.

Na ang sinumang ma-infect nito ay naging rabid at bayolente na mas masahol pa sa isang asong ulol.

Noong April 2018, ang The Cure ay “ranked number four in the Social Wit List top ten most talked-about new shows on social media for the month of April. The drama’s pilot episode generated over 46,000 Facebook and Twitter comments. The hashtag “#GMATheCure” became the top trending topic on Twitter Philippines during its premiere.”

“Ngayon ko lang po nalaman, sa inyo ko lang po nalaman. Thank you!” sabi ni Jennylyn habang kausap namin sa taping ng The Cure nitong May 18 sa Antipolo.

“Siyempre masaya kami na kami rin yung unang… proud din kami na kami yung… una kaming gumawa nito, ng ganitong klaseng concept sa isang soap, sa Philippine television.

“So, masaya at excited kami talaga at sana mas ma-excite pa yung mga tao at panoorin nila palagi.

“Hindi yung mapag-usapan lang, try nilang panoorin,” ang nakangiting sinabi pa ng Kapuso actress.

Tinanong namin si Jennylyn ng hypothetical question; halimbawang magkatotoo ang The Cure (na huwag naman sana), sino ang ililigtas niya bukod sa boyfriend niyang si Dennis Trillo at sa anak ni Jennylyn na si Alex Jazz?

“Bukod sa kanila? Ang hirap naman!” ang tili ni Jennylyn.

“Ang hirap. E, di yung tatay ko, si Daddy Noli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka yung mga pusa ko, aso ko, lahat na ng kaya kong iligtas,” at tumawa si Jennylyn.

Fifteen years na si Jennylyn sa GMA Network. Noong October 2003 umere ang unang season ng StarStruck kung saan Ultimate Female and Male Survivors sina Jennylyn at Mark Herras.

What makes her a loyal Kapuso?

“Ang masasabi ko lang talagang masaya ako dito. Yung mga tao na nagtatrabaho sa loob ng GMA, iba silang magmahal, e, iba silang mag-alaga.

“So bakit ako maghahanap ng ibang mag-aalaga?” at tumawa ang Kapuso actress.

“Iba sa GMA, iba silang mag-alaga.

“Nakikita mo kung paano nilang alagaan simula sa pinakamababa hanggang sa… pantay-pantay ang tingin dito, walang mataas, walang mababa, pagkain ng isa, pagkain ng lahat, di ba?

“Kumbaga walang pinipili, pantay-pantay.”

Ano naman ang masasabi niya na isa siya sa itinuturing na reyna ng GMA?

“Walang ganyan! Wala po. Wala pong ganyan.

“Ayoko pong mag-comment.”



Stories We Are Tracking

GMA writer defends <em>The Cure</em> against accusations of copying
GMA writer defends The Cure against accusations of copying
<em>The Cure, Since I Found You</em> among most buzzed global shows
The Cure, Since I Found You among most buzzed global shows
Will <em>The Cure</em> be cut short due to low ratings? GMA responds
Will The Cure be cut short due to low ratings? GMA responds
<em>The Cure</em> director ready to compete with <em>Probinsyano, Bagani</em>
The Cure director ready to compete with Probinsyano, Bagani





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN