Stephanie Dods wins reality design competition The Apartment: Passion for Design

Fil-Australian fashion designer, interior decorator and events planner Stephanie Dods (center) is presented with the keys to a luxurious apartment after winning the sixth season of The Apartment: Passion for Design.


Ang Fil-Australian fashion designer na si Stephanie Dods ang itinanghal na grand winner sa reality design competition show na The Apartment: Passion For Design noong nakaraang May 24.

Napanalunan ng former beauty queen ang biggest prize sa history ng naturang reality competition show na isang luxurious UMLand apartment na located sa D’Lagoon in Iskandar, Malaysia.

Si Stephanie ang ikalawang Filipino contestant na nanalo sa naturang reality competition show ng Sony Channel.

Unang nanalo sa naturang show ang Pinoy team nina Deankie Latonio at Tiara Sison noong 2013.

Kilala rin si Stephanie bilang fiancée ng TV host and actor na si KC Montero.

Tinalo ni Stephanie ang mga nakalaban niya mula US, Australia, Singapore, Thailand, Vietnam and Malaysia, pati na ang mga kapwa Pinoy niya na sina Eugene del Rosario at Jesy Cruz na nakalaban niya sa semi-finals round.

Sa finals ng The Apartment: Passion For Design, nakalaban niya ay ang make-up artist from Malaysia na si Rachel Lee sa pag-design ng apat na kuwarto ng isang empty apartment.

Nanalo si Stephanie by one vote mula sa combined votes ng mga judges na binubuo ng world-enowned interior designer at Dark Prince of Design na si Laurence Llewelyn-Bowen, ang Filipino interior designer at media personality na si Cat Arambulo, and si Tyler Wisler, one of New York’s most influential and dynamic designers.

Naging standout daw ang mga designed rooms ni Stephanie dahil sa kanyang innovative design, style and confidence.

Sa kanyang Instagram account noong nakaraang May 25, sinabi ni Stephanie na isang unforgettable experience ang pagsali niya sa The Apartment: Passion For Design.

The Apartment: Passion for Design is a Sony Channel Original Series created and produced by Imagine Group Entertainment, the leading entertainment production company in Asia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN