Alden Richards and John Estrada open up about working with each other

Alden Richards (left) gets to work with former ABS-CBN actor John Estrada through the upcoming GMA-7 teleserye Victor Magtanggol.


Unti-unti nang nari-reveal ang mga makakasama ni Alden Richards sa upcoming GMA-7 primetime series niya: ang Victor Magtanggol na isang family drama with fantasy.

Sa ipinalabas na report ng 24 Oras kagabi, May 31, ang former ABS-CBN actor si John Estrada ay kumpirmadong kasama sa Kapuso series na Victor Magtanggol.

Ipinasilip ang behind-the-scenes sequences nina John at Alden. Ayon kay John, kahit daw unang beses pa lang nilang magkasama ni Alden ay naging palagay na agad ang loob nila sa isa’t-isa.

Ayon kay John, “Parang feeling ko, e, matagal na kaming magkakilala. I think, this is the biggest project of GMA this year. So I feel really blessed na mapasama ako sa proyektong ito.”

Sinang-ayunan naman ni Alden ang naging pahayag na ito ni John. Lahad ni Alden, “First time ko siyang na-meet and very excited ako to do scenes with him.”

Sa naturang 24 Oras report, ipinakita ang paghahanda ni Alden sa pamamagitan ng pagsailalim ng parkour training.

Ipinakita pa ng Kapuso actor ang mga kamay niya na puro kalyo na raw.

Ani Alden, “I’m doing parkour now para meron po tayong maio-offer na bago sa action scenes. May mga kalyo-kalyo tayo ngayon mga Dabarkads. Kalyo dito, kalyo dun."

Excited na siyang magamit ang mga napag-aralan niyang parkour moves sa Victor Magtanggol.

Ayon kay Alden, “Naiisip ko siyang gawin kasi siya yung magagamit talaga na skill. Kasi, yung pagtalon sa mga bubong, yung mga pagbaba from a certain floor to another floor, ganun siya ka-intense.”



Stories We Are Tracking

Alden, ExB collaborate for <em>Victor Magtanggol</em> theme song
Alden, ExB collaborate for Victor Magtanggol theme song
Alden to make teleserye comeback via this project
Alden to make teleserye comeback via this project





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN