BiGuel love team postpones Japan vacation as Kambal, Karibal gets season extension

IMAGE Ruel Mendoza

Bianca Umali (shown with love team partner Miguel Tanfelix) is very happy about that their teleserye Kambal, Karibal has been extended for another season: "Hindi po namin ini-expect na tatagal kami sa ere. Nagsimula kasi kami bilang filler show kasi hindi pa ready noon yung teleserye na The Cure. Kumbaga po, hanggang three months lang kami talaga."


Dahil sa panibagong extension for another season ng GMA-7 top-rating primetime teleserye na Kambal, Karibal, naurong na naman ang planong bakasyon nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa Japan.

Isa sa mga iniregalo kasi ng Kapuso actor kay Bianca noong mag-debut ito ay isang all-expense paid trip to Japan.

Dream vacation kasi ni Bianca ang pagpunta ng Japan, pero dahil sa muling na-extend ang kanilang teleserye, ipagpapaliban muna ng BiGuel loveteam ang mga plano nilang magbakasyon.

“Masaya po kami na nabigyan ulit ng extension ang Kambal, Karibal.

“Nagugulat na lang po kami sa magagandang feedback ng show namin.

“Nakakatuwa ang mga sinasabi nila sa show kaya binibigay po namin ang the best parati,” pahayag ni Bianca nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kambal, Karibal sa Madison 101 Hotel and Tower, Quezon City noong nakaraang May 29.

UNEXPECTED EXTENSION. Okey lang daw kay Bianca na ma-postpone muna ang Japan vacation nila ni Miguel dahil priority nila ang kanilang trabaho at ang mapaganda ang bawat eksena ng kanilang teleserye.

Pag-amin niya, “Hindi po namin ini-expect na tatagal kami sa ere.

“Nagsimula kasi kami bilang filler show kasi hindi pa ready noon yung teleserye na The Cure.

“Kumbaga po, hanggang three months lang kami talaga.

“Pero noong ma-extend kami hanggang April, natuwa kami kasi may trabaho pa kami.

“'Tapos, na-extend ulit kami hanggang June naman po.

“Kaya happy kaming lahat kasi ang ganda po ng ratings namin.

“Then, itong huling news sa amin, extended na ulit kami, kaya sobra-sobra ang blessings namin.

“Kaya okey lang po na ipagpaliban namin ang bakasyon.

“Importante po na may trabaho kaming lahat at masaya kaming magkakasama sa set.”

NEW CAST MEMBERS. Dahil sa paghaba ng istorya ng Kambal, Karibal, marami pa raw na bagong characters ang papasok sa kuwento, pero meron din namang ilang magpapaalam na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Hindi po namin alam kung sino ang mga papasok na bago.

“Pinag-uusapan pa po nila.

“Nalalaman na lang po namin kapag nasa taping set na yung artista; ginugulat na lang kami.

“Pero may isang gusto si Miguel na mapasama sa Kambal, Karibal.

“Gusto niya sana makasama sa show si Pen Medina.

“Bagay raw po kasi siyang maging part ng show.

“Sa mga mawawala naman, ginugulat din po nila kami diyan.

“Sa script na lang namin malalaman on that day kung sino ang magpapaalam na.

“Siyempre, iyakan kami niyan kasi mababawasan na ulit ang cast namin.”

TEARJERKING SCENES. Dahil patindi nang patindi ang mga nagaganap na drama sa naturang teleserye, nagpapasalamat si Bianca na hindi pa siya nauubusan ng luha sa mga mabibigat na eksena.

“Ubusan nga po ng luha parati sa mga darating na episodes.

“Pinakamabigat po yung nilibing na si Jeric [Gonzales], tuluy-tuloy lang po ang pag-iyak ko.

“Mahirap din po ang iyak nang iyak, pero nagpapasalamat po ako na hindi ako natutuyuan.

“Automatic na po kasi sa akin na kapag may crying scene, nakahanda na ang mga luha kong tumulo.

“Mabigat din po yung eksenang sinampal ko si Miguel sa sobrang galit ko.

“Totoo pong sampal iyon. Mahahalata po kasi kapag pineke ko yung sampal kay Miguel.

“Nag-sorry naman po ako after ng eksena namin,” diin pa niya.

ENJOYING HER KONTRABIDA MOMENT. Pero aminado si Bianca na nag-enjoy siyang maging kontrabida noong sinapian siya ni Crisel (Pauline Mendoza) sa mga nakaraang episodes.

“Iba rin po kasi ang maging kontrabida pala.

“Nag-enjoy po ako.

“For once, ako yung nang-aapi kay Kyline [Alcantara].

“Ako yung nakakalamang sa mga confrontations namin.

“May mga nagsabi nga po sa akin na bagay pala sa akin ang magkontrabida.

“Natuwa naman po ako kasi feeling ko, kulang pa yung pinakita ko.

“Pero kaya ko naman daw pala. Masarap lang ulitin!” natatawang pagtatapos ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN