Jennylyn Mercado explains why she will not do any movie this 2018

IMAGE Mark Atienza

Jennylyn Mercado looks back on the death-defying stunt she did for the 2006 movie Super Noypi.


Hindi muna gagawa ng pelikula ngayong 2018 si Jennylyn Mercado.

“Nagpo-focus ako dito sa The Cure,” pagtukoy niya sa kanyang GMA-7 prime-time series.

“Kasi medyo madugo po siya, e. Medyo malalaki yung mga eksena kaya pag-uwi mo talagang kailangang magpahinga na,” at tumawa si Jennylyn.

Ibig sabihin nito, hindi rin siya makakasama sa kahit na anong Metro Manila Film Fest entry sa taon na ito.

Kapareha ni Jennylyn si Tom Rodriguez sa The Cure bilang mag-asawang Charity at Gregory Salvador.

Hindi naman raw sila nahirapan na mag-establish ng rapport para gumanap bilang mag-asawa. Ito ay sa kabila ng katotohanang may kani-kanya silang lovelife.

“Kasi friends kami kaya saka nag-start kami na maayos yung foundation, yung friendship namin simula pa noon, hindi pa kami nagkakasama dito sa The Cure, gumawa kami ng isang Lenten special.”

Ito ay ang March 2016 Lenten special ng APT Entertainment titled Pagsubok na siyang pinakaunang pagtatambal nina Jennylyn at Tom.

Madalas raw silang magkuwentuhan ni Tom na boyfriend ni Carla Abellana.

Ayon pa kay Jennylyn, happy naman siya sa relasyon niya kay Dennis Trillo na matalik na kaibigan ni Tom at “kapatid” sa manager nilang si Popoy Caritativo.

Inaabot sina Jennylyn at ng iba pang cast members ng The Cure ng madaling araw sa pagkukuwentuhan kapag may taping sila para sa Kapuso series.

Sa The Cure, mas hirap raw si Tom kaysa kay Jennylyn dahil mas maraming fight scenes at stunts si Tom kaysa kanya.

“Wala siyang double, kaya niya, e,” bulalas pa ni Jennylyn tungkol sa kanyang leading man. “Enjoy siya! Si Tom, grabe 'yan gumawa ng eksena.”

Para kay Jennylyn, ang pinaka-daring stunt na nagawa raw niya ay sa pelikulang Super Noypi na entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival noong December 2006.

Bukod kay Jennylyn ay nasa naturang pelikula rin sina Mark Herras, Katrina Halili, Polo Ravales, John Prats, at Sandara Park bilang anim na kabataang magkakaibigan na may taglay na superpowers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatawa yun! Pinahawak ako sa ano ng helicopter, yung bar, sa paa ng helicopter, nakasabit ako tapos pinaikot sa buong Quezon City, paikut-ikot!”

Naka-harness naman raw siya ng mga sandaling yun. “Pero yung feeling na nakakapit lang ako,” at tumawa si Jennylyn.

Wala raw siyang double sa naturang eksena.

“Kasi yung camera nakaharap sa akin tapos kita yung buong ano.”

Mabuti at pumayag siya.

“Wala naman akong choice, e,” at tumawa si Jennylyn. “Sabi ni Mother Lily, e. [Sabi ko,] ‘Okay po, Mother,’ at muling tumawa ang Kapuso actress.

Matagal raw ang naturang eksena.

“Oo paikut-ikot kami, ang tagal! Kailangan nila ng mahabang material.

“Ang tagal ko ha,” at muling tumawa si Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN