Alden Richards differentiates Victor Magtanggol from his past projects

IMAGE Allan Sancon

"Typical lang yung mga fight scenes na nagagawa ko with my past projects," said Alden Richards, the lead actor of the upcoming GMA-7 series Victor Magtanggol. 


Napaka-espesyal para kay Alden Richards ang kasalukuyang ginagawa niyang prime-time series na Victor Magtanggol.

Nagsimula nang mag-taping si Alden at dahil may mga action scenes ang pelikula, isa sa mga naging paghahanda niya ang parkour training.

Sa report ng 24 Oras noong June 5, kinunan ang unang action scenes ni Alden sa isang palengke kung saan nagpatalon-talon at nagpadausdos siya sa tiles.

Ayon kay Alden, first time raw niya ginawa ang mga stunts na ito sa tulong na rin ng director ng teleserye na si Dominic Zapata. Malaki raw ang naitulong ng kanyang parkour training bilang paghahanda sa mga ganitong eksena.

“Mostly kasi typical lang yung mga fight scenes na nagagawa ko with my past projects. Pero ito kakaiba.

“Na apply ko yung natutunan ko sa parkour,” saad ni Alden.

Inamin ng Pambansang Bae na mas pagod at mas mahirap ang taping niya ngayon sa Victor Magtanggol dahil sa physical requirements sa kanya bilang bida ng teleserye. Pero masaya raw siya dahil talagang gusto niyang ibigay ang best niya sa pagbabalik prime-time series.

“Gusto ko kasi ito,” lahad niya.

“Ganun ako ka-in love sa project na ito.

“Sabi ko nga when I took this project, ibubuhos ko dito lahat.”

Marami pa raw na ganitong eksena na gagawin si Alden para sa Victor Magtanggol na ang istorya ng buhay ay puno ng drama, aksyon, at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.

Dahil nakatutok at puspusan ang kanyang preparasyon sa kanyang bagong role, kahit nga raw buwis-buhay ang ilang stunts, gusto niya na siya mismo ang gagawa ng lahat hangga't maaari.

“I see to it na majority of the scenes dito ako talaga ang gagawa, lahat ng stunts ako ang gagawa.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN