Alfred Vargas advises young co-stars to invest their showbiz earnings wisely

IMAGE Ruel Mendoza

Actor-turned-politician Alfred Vargas shares his advice to his younger co-stars in Kambal, Karibal: "Bigyan nila ng halaga ang mga pinaghirapan nila."


Natutuwang katrabaho ng actor-turned-politician na si Alfred Vargas ang mga batang bida sa top-rating GMA-7 primetime teleserye na Kambal, Karibal.

Kabilang dito sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza.

Nakikita raw ni Alfred na sisikat at magtatagal daw ang apat na ito dahil ang sisipag magtrabaho at napaka-professional.

“Wala kang mararamdaman na may lalaki ang ulo sa kanilang apat.

“Magagalang sila sa aming mga nakakatanda sa kanila at kapag work na, nakatutok talaga sila.

“Tsaka kahit na nasa ganyang mga edad sila, hindi mo sila makikitang nakikipagkuwentuhan or naglalaro sa mga cellphones nila.

“Nasa kanya-kanya silang sulok ang mga yan at nagbabasa ng script.

“Kaya nakakatuwa sila. They remind me of myself noong kaedad ko sila sa showbiz–yung ang focus sa work.

“May time for work at may time nag-e-enjoy ka rin,” pahayag ni Alfred nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa location shoot ng Kambal, Karibal sa Madison 101 Hotel sa Quezon City noong nakaraang May 29.

ADVICE TO YOUNG STARS. Kung may ipapayo raw si Alfred sa mga kabataang artista ngayon sa showbiz, iyon ay ang alagaan nila ang career nila at ang kanilang mga kinikita.

Hindi raw kasi forever na sikat ka sa showbiz, kaya hanggang maaga ay dapat marunong silang mag-ipon at i-invest ang kanilang mga kinikita.

Kuwento niya, “Ako kasi noon, hindi ko ginagalaw ang mga talent fees ko.

“Yung ATM ko kung saan pumapasok yung mga TF ko sa mga shows ko before, hindi ko yun ginagalaw talaga.

“Since may iba naman akong pinagkakakitaan noon like making movies, mga personal appearances, yung ang ginagamit kong panggastos sa bahay at sa personal kong mga pangangailangan.

“Until nalaman ko na ang laki na pala ng naipon ko. Kaya naisipan ko na mag-invest sa mga properties at nagtayo ng negosyo.

“May mga nabili akong mga apartments na pinapaupahan ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtayo kami ng business ng kapatid ko at may farm lot akong binili sa Batangas.

“Hindi naman ako mahilig sa sobrang mamahal na mga gamit.

“Simpleng tao lang ako. Basta okey siya, kahit hindi branded ang suot ko, walang problema sa akin.

“Kahit sa sasakyan ko, hindi ako maluho.

“Noong nagbibilihan ng mga malalaking sasakyan yung mga kasabayan ko noon, ako simpleng kotse lang—yung panggamit mo lang araw-araw at hindi maaksaya sa gasoline.

“Kaya pinapayo ko sa mga batang kasama namin na pag-isipan nila nang mabuti kung saan nila gagastusin ang mga kinikita nila sa showbiz.

“Bigyan nila ng halaga ang mga pinaghirapan nila.

“Na kahit hindi na sila masyadong nabibigyan ng projects, meron silang malaking ipon at naka-invest sa magandang bagay ang mga kinita nila.”

THANKFUL FOR EXTENDED ROLE. Thankful din si Alfred na hindi pinapatay ang character niyang si Allan sa Kambal, Karibal.

Akala kasi ni Alfred na noong ma-comatose ang character niya sa show, baka iyon na raw ang sign na tapos na siya sa show.

Pagklaro niya, “Kasi ang kontrata namin talaga noong una sa show ay hanggang February lang.

“E, may pangako akong bakasyon sa misis ko at sa mga anak ko.

“Noong ma-extend kami hanggang April, akala ko matatapos na doon.

“Kaya nag-book na ako ng bakasyon namin noong May.

“E, biglang na-extend ulit ng one month pa. Kaso nakapag-book na ako ng flight namin.

“Three weeks kaming magbabakasyon kasi may kasamang cruise iyon.

“Kaya lahat ng mga eksena kong nasa ospital ako in a coma, kinunan na bago ako nagbakasyon.

“After that, akala ko tapos na ang role ko—yung hindi na ako magigising.

“'Tapos, nalaman ko through our Viber group na extended ulit ang show hanggang August na.

“Pero sinabihan naman ako na magigising na ang character ko.

“Kaya natuwa ako na sa pagbalik ko after ng bakasyon ko with my family, may trabaho pa akong babalikan sa Kambal, Karibal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan pa kasi makaganti si Allan kay Raymund [played by Marvin Agustin] na hina-harass pa rin kami ni Geraldine [played by Carmina Villarroel] sa istorya.”

Ikinatuwa rin ni Alfred na habang nasa cruise sila, may mga Pinoy na tinatawag siya sa pangalan niya sa Kambal, Karibal at minsan may tumatawag sa kanya ng “Bebe ko.”

“Nagulat ako kasi napapanood pala talaga kahit saan ang Kambal, Karibal. Biruin n’yo nasa barko na kami, yung lambing pa ni Jean Garcia na 'bebe ko' ang tawag ng mga Pinoy doon sa akin.

“Kaya I feel lucky na napasama ako sa Kambal, Karibal kasi ang saya lang namin sa set kahit mabibigat ang mga eksena.

“At walang pasaway sa set. Lahat ganado magtrabaho.

“Inspired kaming lahat kasi nga sa ganda ng ratings namin parati,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN