Coco Martin's Ang Probinsyano keeps door open for comebacking actors

IMAGE Allan Sancon

Coco Martin is glad that his top-rating teleserye, FPJ's Ang Probinsyano, continues to feature comebacking actors: "Masarap sa pakiramdamm na nakikita ko uli sila, siguro dahil nung bata ako isa ako sa mga tagahanga nila at ngayon ay nakakatrabaho ko sila. Para sa akin masarap sa pakiramdam na nabibigyan mo uli sila ng pagkakataon."


Sa seryeng FPJ Ang Probinsyano, napapanood muli ang mga datihang artista na pansamantalang namahinga sa pelikula at telebisyon.

Ilan sa mga artistang napapanood muli ngayon sa Ang Probinsyano ay ang dating action star at former senator na si Lito Lapid, ang anak niyang si Mark Lapid, ang Viva Hot Babes at ang komedyanang si Whitney Tyson na humingi ng tulong dahil sa kakapusan sa buhay.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Coco sa nakaraang 66th FAMAS Award Night kung saan ipinagkaloob sa aktor ang FPJ Memorial award para sa pelikulang Ang Panday.

Lahad niya, “Nakakatuwa.

“Kahit ako naman, natutuwa ako sa suporta at pinagkatiwala sa amin ng pamilya Poe ang isa sa pelikula na likha ni FPJ.

“Dahil dun, nabigyan din ako ng trabaho, at sa pamamagitan nun, marami sa mga baguhang artista na nabubuksan ang pinto.

“At marami rin sa mga dating kasamahan natin sa trabaho ang nabibigyan uli ng pagkakataon para makapagtrabaho.”

PAYING IT FORWARD. Ayon nga sa aktor, isang fulfillment daw para sa kanya na makasama sa isang proyekto ang mga artistang tumulong sa kanya dati.

Dagdag pa niya, “Kasi para sa akin, sa panahon ngayon, yun ang makakaya kong ibigay sa kanila, yun ang maitutulong ko at the same time natutulungan din nila ako.

“Masarap sa pakiramdamm na nakikita ko uli sila, siguro dahil nung bata ako isa ako sa mga tagahanga nila at ngayon ay nakakatrabaho ko sila.

“Para sa akin masarap sa pakiramdam na nabibigyan mo uli sila ng pagkakataon.”

THANKFUL TO VIEWERS. Masaya at labis ang pasasalamat ni Cooco na kahit matagal na sa ere ang Ang Probinsyano ay patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga manonood.

“Masaya, kasi hanggang sa ngayon, sa loob ng tatlong taon, tinatangkilik pa rin siya ng mga tao.

“And pakiramdam namin, nabibigyan pa namin sila ng kaligayahan gabi-gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially, nabibigyan din namin ng magandang halimbawa o alituntunin ang mga kabataan na nanonood,” pagmamalaki pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN