Vina Morales on JM de Guzman-Barbie Imperial chemistry: "Para silang aso't pusa but in a cute way"

IMAGE Noel Orsal

Vina Morales on Araw Gabi co-star JM de Guzman: "Napakagaling niyang artista, no doubt about it. Professional na siya ngayon."


Pagkatapos ng matagal-tagal ding pamamahinga mula sa paggawa ng teleserye, tumatatak na namang muli ngayon sa mga manonood ang kontrabida role na ginagampanan ni Vina Morales sa Kapamilya seryeng Araw Gabi.

Unang nakilala ang aktres sa mga sweet at bida roles bago ito sumabak sa mga villain roles.

Sa Araw Gabi, gumaganap si Vina bilang si Celestina.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vina nung nakaraang June 14 sa set ng ASAP, nagpahayag ng pasasalamat ang aktres sa mainit na pagtanggap ng publiko sa Araw Gabi at sa magagandang feedback ng mga manonood sa karakter niya.

Pagpapasalamat niya, “We’re so thankful dahil sa ratings namin and napapansin yung aming mga roles.

“Each role, each character, and as Celestina, nakakataba ng puso maski maraming galit sa kanya.

“At least, nagugustuhan nila ang acting naming lahat.

“We really work as a team and we're happy that Araw Gabi is doing well and nangyayari yun because of all of you.”

GETTING THE HANG OF KONTRABIDA ROLES. Gaanong kaiba itong kontrabida role niya ngayon kung ikukumpara sa mga past villain roles niya?

Lahad niya, “Actually, I did a kontrabida role siguro years ago, pero di ganito ka-villain na sobrang marami pang twists ng story and talagang magagalit sa akin ang mga tao.

“It’s very challenging to portray those kinds of roles talaga, yung mga villains, at magkasunod pa kami ng kapatid ko, ni Shaina [Magdayao] as Samantha in Asintado.

“Bida or kontrabida? Depende kasi yun.

“Ako kasi nai-inspire ako dito as Celestina dahil napakaraming magagandang naibibigay na scenes.

“Ang nakaka-miss lang yung mga iyakan, yung ganun, paawa

“Pero matagal-tagal ko na ring ginagawa yun—yung umiyak, sinasampal.

“Ako ang nananampal ngayon, ako ang nagpapaiyak ngayon, kakaiba para sa akin different twist ng aking buhay artista.

“Excited ako, at the same time careful din kasi karamihan ng mga teens medyo may sinasaktan ako, so I’m careful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan medyo mayroon akong kontrol sa kamay ko.

“But we’re doing okay kasi we work as a team, kaming cast sa Araw Gabi.

“I really enjoy working with them, I never had a problem even with the production staff.”

GOOD CHEMISTRY. Pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial ang Araw Gabi, at base nga sa kuwento ni Vina ay masasabi niyang perfect match ang dalawa dahil kita raw talaga ang chemistry ng mga ito on- and off-screen.

Kuwento niya, “Pag napapanood ko sila off camera, para silang aso’t pusa, but in a cute way ha?

“Di naman sila yung nagbabangayan na hindi maganda, very in a sweet way.

“Pag onscreen naman, I can see there’s a connection, they are perfect for their characters, for their roles.

“Talagang tamang-tama yung ginawa ng RSB na sila yung pinagtagpo at pinagsama sa show.”

WELL-DESERVED COMEBACK. Ang Araw Gabi ang comeback project ni JM pagkatapos nitong ma-rehab at talikuran na nang tuluyan ang masamang bisyo.

Para naman kay Vina ay deserving talaga ang aktor sa pangalawang pagkakataong ito na binigay sa kanya ng ABS-CBN.

Pagmamalaki niya, “He has a good heart.

“I always believe na pag mabait, magaling ka at nakikita nila na pursigido ka na magbago at gawing mabuti ang trabaho mo, bibigyan ka ng opportunities.

“For three decades in this business, marami na akong nakikitang mga baguhan, biglang nawawala, biglang may bago na namang papasok. 'Ay, sino uli ito? Di ko na masyadong kilala.’

“Ang bilis ng transformation, yung pagpapalit ng mga artista.

“For JM, I’m so happy for him that he was given...

“Twice na nga, e. Kasi naman mabuti siyang tao, may pagkakamali lang.

“Lahat naman tayo, when we go through trials sa buhay natin.

“Pero napakagaling niyang artista, no doubt about it.

“Professional na siya ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN