Ken Chan admits feeling jittery working with Jaclyn Jose for the first time

IMAGE Rommel Gonzales

Kapuso actor Ken Chan admitted feeling jittery when he first found out that he will be working with award-winning actress Jaclyn Jose for the GMA serye, The Cure: "Kinabahan ako! Kasi siyempre, Jaclyn Jose yun, e!"


Ninerbiyos daw nang husto si Ken Chan sa unang araw ng taping niya para sa The Cure kunsaan kaeksena niya si Jaclyn Jose.

Gumaganap silang mag-ina sa The Cure na napapanood sa GMA-7.

Si Ken ay si Dr. Joshua Lazaro, habang si Jaclyn naman ay si Dra. Evangeline Lazaro.

Pagbabalik-tanaw ni Ken, “Kinabahan ako!

“Kasi siyempre, Jaclyn Jose yun, e!

“Pinanood ko nga yung Ma Rosa.

“Pinanood ko yung Patay Na Si Hesus,” kuwento pa ni Ken tungkol sa mga recent award-winning movies ni Jaclyn.

WELL-PREPARED. First time nakasama ni Ken sa isang project si Jaclyn, kaya pinaghandaan daw niya talaga ang bawat eksena nila ng award-winning actress.

“Nung araw na alam kong makakaeksena ko si Tita Jaclyn, lahat ng lines ko sinaulo ko.

“Ayokong magkamali! First day yun.

“Awa ng Diyos, hindi naman ako nagkamali.

“Sinaulo ko po talaga lahat, ayokong magkamali.

“Kasi baka mamaya magkamali ka. Nakakahiya, baka magalit.”

Pero sa mga sumunod na taping days na magkasama sila, napatunayan ni Ken na wala naman siyang dapat ikanerbiyos.

“Sobrang bait niya!

“Kahit magkamali ka, sobrang bait niya.

“Hindi siya nagagalit kahit magkamali ka. Sobrang bait ni Tita Jaclyn.

“Sobrang bait niya. Hindi siya mataray.

“Siya pa lagi ang nagdyu-joke para huwag kang mailang o nerbyusin.

“At ang husay, madadala ka. Alam mo yun?

“Simple lang siyang magbitaw ng linya, pero mararamdman mo, ang husay niya,” bulalas ni Ken na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa GMA compound.

Bida sa The Cure sina Jennylyn Mercado bilang si Charity Salvador at Tom Rodriguez bilang si Gregory Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN