What Marian Rivera won't do for a project

Marian Rivera says it's not in her nature to steal a project from another actress. "Naniniwala ako na kung para sa akin, para sa akin, hindi ko kailangang mang-agaw o ilagay ang ganung sitwasyon sa sarili ko."



“Hindi ko ugaling mang-agaw ng project!”

Iyan ang bulalas ni Marian Rivera nang matanong ng isang hypothetical question ukol sa pangkuha ng project mula sa ibang aktres.

Ang tanong ay, kung halimbawang may isang project na si Dingdong Dantes ang direktor at nakita ni Marian na bagay sa kanya ang role pero may naka-assign ng ibang aktres para sa naturang role, kukunin ba ni Marian ang role?

"Kung ano yung para sa akin, para sa akin," sagot ni Marian.

"So kung yung project na yun ay para na sa iba, hindi ko gagawin na agawin iyon para lang magkaroon ako ng project."

Naikumpara ito sa A Quiet Place anecdote, ang pelikulang starred in and directed by John Krasinski.

Sa umpisa ay si Emily Blunt, asawa ni John sa tunay na buhay, ang talagang female lead sa pelikula. Pero noong una ay naisip nito na huwag gumawa ng horror movie kaya siya pa mismo ang nagrekomenda sa kanyang mister ng isang kaibigang aktres para pumalit sa kanya.

Pero nang nabasa na Emily ang kabuuan ng script ay naging interesado na ito at sinabihan ang mister na i-fire ang kinausap na nitong aktres para si Emily na mismo ang magbida sa pelikula.

Ayon naman kay Marian, hindi niya ito kayang gawin.

Paliwanag niya, “Naniniwala ako na kung para sa akin, para sa akin, hindi ko kailangang mang-agaw o ilagay ang ganung sitwasyon sa sarili ko.”

May nakalinyang pelikula para kay Marian this year pero ayaw muna niyang i-reveal ang mga detalye tungkol dito.

Ngayong Sabado naman, June 23, ay first anniversary ng Tadhana sa GMA-7.

For the first time ay gaganap si Marian bilang artista at hindi host, at first time rin na ang direktor ng episode ng Tadhana ay si Dingdong mismo.

Nagsilbi rin itong reunion ng tatlong Dyesebel stars. Gaganap na kapatid ni Marian sa naturang Tadhana episode si Lotlot de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2008 ay ipinalabas sa GMA ang Dyesebel kung saan si Marian ang gumanap na bidang sirena, si Dingdong ang leading man bilang si Fredo, at si Lotlot ay si Banak, ang sirenang kumupkop kay Dyesebel sa ilalim ng dagat.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN