Marlo Mortel narrates how his "accidental" showbiz career started

IMAGE @marlomortelmusic on Instagram

Marlo Mortel narrates how he got his showbiz break when he caught the eye of ABS-CBN's talent coordinators while he was there to fetch his girlfriend.


“Happy ako,” bulalas ni Marlo Mortel nang tanungin namin kung ano ang pakiramdam ngayong nasa pangangalaga na siya ng Mercator Model & Artist Management ni Jonas Gaffud.

Mga “kapatid” na niya kay Jonas sina Pia Wurtzbach, Shamcey Supsup, Venus Raj, Benjamin Alves, at Daniel Matsunaga, among others.

Lahad niya, “Of course, medyo nag-a-adapt pa rin ako kasi new set of people, pero mababait sila lahat.

“And for the longest time kasi wala akong co-manager.

“Dahil aksidente lang po ako napunta sa Please Be Careful With My Heart...

“May sinundo lang ako na girlfriend ko kaya ako nakapasok sa show.”

Nag-o-audition dati ang GF niya bilang talent sa ABS-CBN.

Pagbabalik-tanaw niya, “Sinundo ko siya, 'tapos nakita ako ng mga coordinator dun sa second floor.

“Sabi nila, mag-audition din ako sa Apoy Sa Dagat as seaman na talent lang din.”

At nang nangailangan ng talent na gaganap bilang best friend ni Jerome Ponce (as Luke) sa Please Be Careful With My Heart ay si Marlo ang kinuha.

SHOWBIZ BEGINNINGS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo kamakailan sa isang restaurant sa Bonifacio Global City.

Patuloy pa niyang kuwento, “Lagi lang ako kasamang maglakad ni Luke, wala akong line.

“Hanggang sa parang nagustuhan na ako ng mga boss, binigyan nila ako ng line, tiningnan nila kung nakakapag-line ako.

“Bigla na lang akong itinabi kay Janella [Salvador] na aksidente lang.

“Hindi naman talaga kami ila-loveteam, kasi kapatid niya si Luke, kaya minsan nagkakasama kami.

“E, maganda daw yung feedback.

“So, after nun, lagi na kaming may eksena hanggang sa naging regular na ako...

“Hanggang sa naging second lead love team na kami.

“'Tapos, tsaka lang ako kinuha ng Star Magic after.”

Hindi naman daw sumama ang loob ni Marlo na pinaghiwalay ang love team nila ni Janella.

Bagkus ay malaki ang pasasalamat niya dahil malaki ang naitulong ng love team nila ni Janella para makilala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, bukod sa pagiging artista at regular hosting stint niya sa Umagang Kay Ganda ay nakatutok si Marlo sa kanyang singing career with his song "I Pray" na alay niya sa ina niyang may karamdamang kanser.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN