Regine Velasquez on possible "tapatan" with show of husband Ogie: "Network decision yun..."

IMAGE Arniel Serato

Regine Velasquez on possible "tapatan" of GMA-7's The Clash and the ABS-CBN show of her husband Ogie Alcasid: "Sanay na kami sa ganun."



May posibilidad na magkakatapatan sa ere ang bagong show ni Regine Velasquez na The Clash sa GMA-7 at ang show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar Kids kung saan judge and mister niyang si Ogie Alcasid.

Parehong Sabado at Linggo ang airing date ng dalawang show.

Ayon sa Asia’s Songbird, wala daw problema sa kanilang mag-asawa ang posibilidad na ito.

Kuwento pa ng singer-TV host sa grand presscon ng The Clash last week, “E, anong gagawin namin. Mag-aaway ba kami?

“Network decision yun at saka ganun talaga. At saka sanay na kami sa ganun. Mag-asawa kami, hindi namin pinipersonal yun.”

Magsisimula na sa July 7 (Sabado, after Pepito Manaloto) at July 8 (Linggo, after Daig Kayo ng Lola Ko) ang The Clash.

Sa tagal na niya sa industriya, kinakabahan pa kaya si Regine kapag may nagpa-pilot siyang show?

Tugon ng Kapuso talent, “We always get scared. Always. Siyempre, iisipin mo ano bang klaseng pagtanggap ang maghihintay sa audience, and since it is already the age of social media, may kaakibat na bashing, pamimintas.”

Pero hindi daw katulad noon na paminsan-minsan ay sumasagot siya sa mga bashers.

Saad pa niya, “Ngayon hindi na. Ngayon, para akong… wala masyadong time to do that now. Uhm, ano ba ready ba kami? I think so naman, e, ganun talaga.”

May 62 Clashers (ang tawag sa contestants ng The Clash) mula Luzon, Visayas, at Mindanao ang maglalaban-laban para sa kauna-unahang titulo ng kumpetisyon.

Tatayong mga hurado sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas ng The Clash.



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN