Joyce Pring fangirls over The Clash co-host Regine Velasquez

IMAGE File

Joyce Pring reveals her admiration for The Clash host Regine Velasquez: "Inaamin ko, I am such a big fan of Ms. Regine. Even with the other judges of the show na sila Christian Bautista, Ms. Lani Misalucha and Ms. Ai-Ai delas Alas, favorites ko sila."


Masaya ang radio jock-turned-TV host na si Joyce Pring dahil sa pagkakasama niya sa reality singing competition show ng GMA-7 na The Clash.

Ang The Clash ang unang show ni Joyce sa GMA-7 noong pumirma ito with GMA Artist Center noong nakaraang taon.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joyce sa media launch ng The Clash noong nakaraang June 28, thankful ito sa Kapuso network dahil sa pagkakataong makasama siya sa isa sa pinakamalaking show ng network sa taong ito.

Lahad niya, “Sobra akong thankful because The Clash is a very exciting show to watch out for.

“Makakasama ko bilang Clash-mate sa show ay si Andre Paras.

“Kami ang magpapakita ng mga behind-the-scenes ng show.

“We will be talking to all the contestants and we will get to know all of them.”

BONDING WITH ANDRE. Mabilis daw silang nagkasundo ni Andre kaya makikita raw ang chemistry nila sa simula pa lang ng show.

Pagmamalaki niya, “Andre is such an interesting person.

“He’s funny, he’s very talkative like me and he’s so fun to be with.

“We can talk about anything under the sun.

“Kaya mabilis kaming nagkaroon ng rapport.

“Walang dead air sa aming dalawa.

“We support each other and we try to keep up that energy para sa ikatutuwa ng maraming manonood ng The Clash.

FANGIRL MODE. Dagdag pa ni Joyce, fan daw siya ng The Clash host na si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, kaya naman excited siyang makasama ito sa show.

Saad niya, “Inaamin ko, I am such a big fan of Ms. Regine.

“Even with the other judges of the show na sila Christian Bautista, Ms. Lani Misalucha and Ms. Ai-Ai delas Alas, favorites ko sila.

“Kaya hindi ko napigilan na mapakanta sa harapan nila. Nilakasan ko lang ang loob ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, yung pangarap ko to sing in front of Ms. Regine ay natupad ko na!” tawa pa niya.

PAST SHOWS. Since 2012 ay gumagawa na ng online shows si Joyce tulad ng Tales From The Friendzone and Tanods for Digital 5.

Nagkaroon din siya ng sarili niyang podcast sa ilalim ng NMFtv tulad ng PurveyrTV, LouderLouder, The Riot and Joyce to the World.

Last year, si Joyce ang nag-produce ng kanyang sariling show na JoycePringTV at isang travel show na Escape TV.

May sarili din siyang website na joyce.com kunsaan binu-blog niya ang kanyang mga activities, events at travel.

“I guess it’s my love for hosting kaya tinuluy-tuloy ko na ang career kong ito.

“Like what I said, I love to talk about anything. Hosting is my passion.

“And I also like to meet a lot of different people.

“It can be someone that I just met on the street, celebrities, politicians, anybody, basta magiging interesting ang conversation namin,” diin pa niya.

Nagsimula ang television career ni Joyce via the music channel MYX noong 18-years old pa lang siya.

Tapos ay naging DJ siya sa segment ng Eat Bulaga na "Trip Na Trip" noong 2014.

Naging radio jock naman siya sa Magic 89.9 from 2016 hanggang 2018.

Host din si Joyce ng web series sa GMA ONE Exclusives na All Access.

PROUD OF DAD'S LEGACY. Sa mga hindi pa nakakaalam, si Joyce ay anak ng kontrobersyal na miyembro ng Manila Police na si Joe Pring.

Pinatay sa isang ambush si Pring noong 1993.

Two years old lang daw si Joyce noong mamatay ang kanyang ama, at lumaki na ito sa piling ng kanyang stepfather.

Ginawa pang pelikula ang buhay ni Joe Pring noong 1989 (Joe Pring: Homicide Manila Police) at 1991 (Kidlat Ng Maynila: Joe Pring 2) na parehong pinagbidahan ni Phillip Salvador.

“Wala akong masyadong memories about my dad kasi ang bata ko pa noong mamatay siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But as I grew up, there are people who talk about him, lalo na kapag nalalaman nila na isa akong Pring.

“And nababasa ko na rin sa internet ang mga nasulat sa kanya.

“It was my stepfather who raised me and my brother.

“Kahit na kinasal sila ni mommy, hindi na sila nagkaroon pa ng baby nila.

“They wanted na kami na lang ng brother ko ang anak nila.

“Hindi na rin kami pinilit na magpalit ng family name. Masyado ring mahaba ang surname ng stepdad ko.

“I was born a Pring and I am proud to be a Pring,” pagmamalaki pa niya.

Sa edad na 25 ay single si Joyce at naka-focus lang daw siya sa kanyang career.

LOVE LIFE. One year na raw siyang walang karelasyon.

“I love my life now bilang single kasi wala akong problema and I’m free to do anything I want.

“Though I must admit na may mga nagpaparamdam naman.

“Pero baka feeling ko lang iyon! Nagte-text lang kasi sa akin.

“I’m a lady and gusto ko yung ligawan ako in a traditional way.

“Yung tipong pupuntahan ka sa bahay, he gets to know my parents and my friends.

“Yung mga gano’ng traditional na panliligaw na dapat lang naman gawin ng mga boys ngayon.

“Hindi kasi ako nadadaan sa pa-text-text or pa-message-message sa social media.

“Hindi naman ako instant girlfriend, di ba?” natatawang pagtatapos ni Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN