Zoren Legaspi shoots mud wrestling scene without underwear

Zoren Legaspi says about mud wrestling scene in Kapag Nahati Ang Puso: "Tinanggal ko na lang yung underwear ko at naka-shorts lang ako. Kaya going commando ako!"


Inamin ng aktor na si Zoren Legaspi na maraming bago ang mapapanood sa kanya sa GMA-7 teleserye na Kapag Nahati Ang Puso.

Sa Kapuso teleserye na ito ay pag-aagawan siya nila Sunshine Cruz at Bing Loyzaga.

Pero ang bago para kay Zoren sa teleserye ay ang ilang beses siyang pinag-shirtless sa maraming eksena.

Natatawang kuwento ni Zoren sa July 6 media launch ng Kapag Nahati Ang Puso sa GMA Newtwork Center na sa edad niya ngayon na 46, ngayon pa raw siya nagpakita ng kanyang katawan sa isang teleserye.

Thankful ang aktor na nagawa niyang na-maintain ang slim na katawan niya para sa pagsimula ng naturang teleserye.

“After my last teleserye with GMA-7 na I Heart Davao, sinabi sa akin ni Ms. Lilybeth [Rasonable] na may gagawin akong bagong teleserye.

“Sa kakahintay ko, tumaba na ulit ako.

“E, biglang tumawag na si Ms. Lilybeth na kasama ako sa cast ng teleserye na ito.

“Kaya bago mag-taping, nag-program na ako ng workout ko.

“Nag-biking ako tapos I hit the gym twice a day.

“Iniba ko ang diet ko para ma-achieve ko yung look ng character ko.

“Ang hirap na i-maintain, pero mabilis akong nakapag-adjust sa ginagawa ko,” kuwento pa ni Zoren.

Meron din siyang mga kissing scenes with Sunshine and Bing.

“Isa pa ‘yon. Napapasabak ako sa gano’ng mga eksena.

“E, first time ko to work with both Sunshine and Bing. Never ko silang nakasama sa mga movies and TV shows noon.

“Kaya nandoon yung maiilang ka pa, pero dahil kailangan believable ang mga characters ninyo, gagawin ninyo.

“It’s just being professional lang.

“Tulad ng bed scene namin ni Bing, nagtatawanan lang kami bago mag-take.

“Kasi nga, sa edad namin ngayon, nagagawa pa namin ang mga gano’ng eksena,” ngiti pa ni Zoren.

Hindi raw pinapaalam ni Zoren sa misis niyang si Carmina Villarroel ang mga naging eksena niya sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko sinasabi kay Mina. Bahala na lang kung ano ang reaction niya kapag napanood niya!

“Si Mina rin naman, hindi niya sinasabi sa akin ang mga eksena niya sa Kambal, Karibal.

“E, napanood ko na may kissing scene sila ni Alfred Vargas. Sabi ko, ‘Teka nga, ilan ba ang kissing scenes ko with Bing and Sunshine?’ Gantihan na lang, di ba?” malakas na tawa pa ni Zoren.

Kinuwento rin ng aktor ang isang eksena kung bakit hindi siya nagsuot ng underwear.

“Usually, I bring four to five underwears kapag taping.

“Nakalimutan yatang isama ng P.A. ko yung container na nandoon ang mga underwears ko.

“Kaya kung ano ang suot ko that day, yun lang ang underwear ko talaga.

“E, mud wrestling yung eksena.

“Kapag naputikan na ang suot kong brief, wala na akong masusuot for the rest of the taping.

“Kaya tinanggal ko na lang yung underwear ko at naka-shorts lang ako. Kaya going commando ako!

“Nag-suggest na lang ako kay Direk Gil [Tejada] na huwag kaming kunan na nakatayo na nag-aaway sa eksena.

“Since mud wrestling iyon, nakadapa na lang kami sa putik. Doon na lang kami umiikot-ikot.

“Mahirap na kasi at baka may biglang may makita sila!

“Baka kasi biglang may mag-good morning sa mga tao!” natatawang pagtapos pa ni Zoren Legaspi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN