"Matanglawin" nominated in 2008 Asia Pacific Broadcasting Union Prizes


Kim Atienza explores bodily functions in the October 26 episode of Matanglawin, which airs pn Sunday mornings before ASAP '08 on ABS-CBN.



Walang takot na sumailalim sa isang operasyon na tinatawag na endoscopy si Kuya Kim Atienza, kung saan ipinasok ang maliit na camera sa kanyang bituka para makita kung ano ang nasa loob nito tulad ng bukol at iba pa.

Silipin kung ano ang itsura ng ating mga lamang-loob at ano ang mga nangyayari sa pagkain kapag pumapasok na ito sa ating mga tiyan sa palabas na Matanglawin. Ang ABS-CBN show na ito ay nominadong sa Best Children's Program category ng Asia Pacific Broadcasting Union Prizes 2008. Ang finals ng ABU Prizes ay gagawin sa November 24 sa Bali, Indonesia.

Susubukan din ni Kuya Kim ang tinatawag na PET-CT kung saan inii-scan ang utak ng tao para makita sa monitor ang brain activity at malaman kung may sakit tulad ng epilepsy, tumor, atbp.

Alamin din kung ano ang itsura ng baga ng taong naninigarilyo at hindi. Alamin rin ang pagkakaiba ng taong may malusog na puso at hindi. Kilalanin din ang mga hayop na nabubuhay na walang puso at baga.

Samahan si Kuya Kim Atienza sa kakaibang paglalakbay sa loob ng ating katawan ngayong Linggo (October 26) sa Matanglawin bago ang ASAP '08 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN