Gabby Eigenmann puts a new twist on gay role for Contessa

IMAGE File

Gabby Eigenmann explains how he played out his character as a closet gay for the Kapuso afternoon teleserye, Contessa: "I created the character of Vito. Yes, closet gay, but you don't see traces of me na flamboyant. Lalaki pa rin na may lambing."


Ibang klaseng bading na karakter ang ginagampanan ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa Kapuso afternoon prime teleserye na Contessa.

Natutuwa naman daw siya sa mga feedback na natatanggap niya.

“Happy naman ako sa reaction nila.

“May naiinis, pero may naawa.

“May natutuwa. Hindi natatawa ha,” paglilinaw niya.

“Yun ang gusto kong iwasan, yung natatawa.

“Hindi na siya katatakutan ng manonood,” pahayag pa ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa taping ng Contessa sa Malabon City, kunsaan kasama sa cast nila si Glaiza de Castro.

NEW TWIST ON GAY ROLE. Ayon pa kay Gabby, ang karakter daw niya bilang isang bading sa serye ay hindi naman typical gay character.

“I created the character of Vito.

“Yes, closet gay, but you don’t see traces of me na flamboyant.

“Lalaki pa rin na may lambing.

“Pero noong nag-out na siya, hindi naman niya sinadya na mag-come out dahil ni-reveal na ni Contessa.

“And okay naman daw, kasi yung transition nga raw was difficult.

“Kasi tagung-tago ka na bading, e.

“Ako, ang thinking ko, buong show ganun. Closet lang siya the whole time.

“Hindi ko alam na magiging dukesa siya.”

Iba raw ang samahan nina Gabby at Glaiza de Castro bilang co-stars.

Nauwi sila sa pagiging malapit na magkaibigan at masaya silang talaga na nagkasamang muli sa Contessa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN