LJ Reyes will miss bonding moments with The Cure co-star Jaclyn Jose

IMAGE Rommel Gonzales

With GMA-7's The Cure nearing its finale, LJ Reyes feels sad knowing she'll miss her bonding moments with her co-star Jaclyn Jose: "Masaya kasing kasama si Tita Jane. Mostly ang mami-miss ko, yung usapan namin na behind-the-camera, na kami lang."


Simula Lunes, July 16, ay dalawang linggo na lamang ang itatakbo sa ere ng The Cure, na tumagal ng isang buong season.

Bilang isa sa mga artista sa show mula simula hanggang sa pagwawakas nito, tinanong namin si LJ Reyes kung ano ang pasabog ng naturang GMA primetime show na dapat abangan ng mga televiewers.

“Abangan nila kung sino yung cure!”

Madidiskubre kung sino ang gamot sa mga infected.

Ang The Cure ay kuwento tungkol sa isang experimental drug na pumapatay ng cancer cells pero ang side effect naman ay ang mutation ng mapanganib at nakahahawang Monkey Virus Disease or MVD, na sinumang ma-infect nito ay naging rabid at bayolente na mas masahol pa sa isang asong ulol.

At tao raw ang naturang gamot at meron ngang cure.

“Dapat meron talaga. Gusto mo ba sad ending, na walang cure?

“Gusto mo ba malungkot ang ending natin?” at tumawa si LJ habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang Biyernes, July 13, sa taping ng The Cure sa San Jose del Monte, Bulacan.

“Kasi siyempre di ba, lagi naman, parang…

“Ang gusto natin, makapagbigay tayo ng magandang pag-asa sa mga tao pag gumagawa tayo ng project,” diin niya.

Pero ayaw muna ni LJ i-reveal kung sno ang “the cure.”

MISSING JACLYN. At dahil patapos na rin ang taping nila para sa naturang serye, tinanong namin si LJ kung sino ang pinaka mami-miss niya sa set.

“Well, buo, buo naman,” pagtukoy niya sa buong cast, staff at production crew ng The Cure.

“Actually, nami-miss ko na si Tita Jane.”

Isa sa cast members ng The Cure ang mahusay na aktres na si Jaclyn Jose.

Paliwanag niya, “Kasi hindi na kami nagkikita sa taping, 'tapos minsan pag nagkikita pa kami, nagkakasalisihan kami.

“E, nung una, kami yung laging magkasama sa tent.

‘Iyon, kaya feeling ko siya yung mami-miss ko nang pinaka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya kasing kasama si Tita Jane.

“Mostly ang mami-miss ko, yung usapan namin na behind-the-camera, na kami lang.”

May mga payo o words of wisdom ba sa kanya si Jaclyn bilang artista?

“Bilang artista, I think siguro may tiwala naman siya sa akin kaya hindi siguro masyado.

“Pero mami-miss ko yung usapan namin tungkol sa buhay namin off-camera.

“Iyon ang pinaka mami-miss ko sa kanya.

“At siyempre, lagi siyang example sa akin bilang isang napakagaling na artista at saka senior artist na very professional,” pagpuri niya.

FIRST KONTRABIDA EXPERIENCE. Dito rin sa The Cure ang pinaka-unang beses na naging kontrabida siya (bilang si Katrina) kay Jennylyn Mercado (bilang Charity Salvador) .

Kumusta ang buong experience?

“Oh my God!

“Feeling ko yung ipapalabas mamaya, parang sobrang memorable din sa akin yung away namin ni Jen.

“Kasi after everything, parang ngayon lang talaga yung time na iku-confront ako ni Jen.

“At tsaka mag-aaway talaga kami, sakitan,”at tumawa si LJ.

Hindi naman daw sila totohanang nagkakasakitan ni Jennylyn sa mga ganitong eksena.

“Hindi, kasi pareho kaming maingat ni Jen.

“Nag-uusap kami kung kunwari, saan ko siya tatamaan, so iyon.”

Mas naging close daw sila ni Jennylyn dahil sila ngayon ang madalas magkaeksena sa The Cure.

Dahil sila lagi ang magkasama sa tent o standby area, mas marami na raw silang napagkukuwentuhan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN