Chynna Ortaleza wants to run a TV network someday

Chynna Ortaleza wants to be a top network executive like Atty. Felipe Gozon of GMA-7 and Ms. Charo Santos of ABS-CBN: "Opo! Sorry ha, alam ko sasabihin ng iba, parang ang taas naman, pero iyon po talaga, e."



Masipag si Chynna Ortaleza sa pag-attend ng mga acting workshops ng GMA Artist Center kahit masasabing kilala na siya sa kahusayan sa pag-arte.

Para kay Chynna, kailangan pa niya, “Well, definitely, it’s the fact na naba-validate lang na marami pa akong bagay na hindi alam.

“Kasi dangerous territory yung feeling mo na, ‘Ang tagal ko na dito [sa showbiz], alam ko na eksakto kung ano’ng magwo-work.’

“Dangerous siya kasi it stunts you, di ba? It doesn’t make you expand as an artist, as a human being.

“Siguro yung journey ko sa pagwo-workshop din, tsaka hindi rin ako resistant.

“Pag nagsasabi ang [GMA] Artist Center, ‘O, meron tayong bagong workshop, kung gusto nyong sumali.’

“Nagko-commit ako sa kanila kasi alam ko na kailangan kong matuto.

“I mean, continuous learning, life is a continuous learning.

“So any kind of parang opportunity that propels, or parang also teaches and encourages learning further, papasukin ko yun.”

Nakausap namin si Chynna sa presscon para sa international acting coach na si Anthony Vincent Bova na nandito muli sa Pilipinas para sa acting workshop ng GMA Artist Center.

Ginanap ang presscon noong July 17 sa 17th floor ng GMA Network Center na dinaluhan din nina Anna Feleo, co-teacher ni Mr. Bova, at Gigi Santiago-Lara, vice president for Alternative Productions ng GMA.

Naroon rin ang Kapuso stars na sina Andrea Torres, Mikoy Morales, Gil Cuerva, Benjamin Alves, at Thea Tolentino.

CONTINUING EDUCATION. Mapapanood si Chynna at Andrea sa Victor Magtanggol ng GMA na pagbibidahan ni Alden Richards.

Nabahagi na ni Alden ang mga natutunan niya sa acting workshop ni Anthony Bova.

Ano naman pinakamahalagang natutunan ni Chynna mula sa batikang acting coach?

Lahad niya, “It’s not to be afraid of who you are and accept the fact that you cannot be perfect, as a human being.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And not be afraid to show people also yung side na vulnerable, parang ganun.

“He always fosters that, e, kasi siyempre bilang artista tinuturuan ka na dapat laging pagharap mo maayos ka.

“Hindi mo pinapakita yung mga pinagdadaanan mo.

“I mean, di ba, parang mali, kasi minsan nagkakaroon ng misconception ang professionalism, e.”

Halos lahat na ng klase ng papel sa pelikula at telebisyon ay nagampanan na ni Chynna, ano pang role na gusto niyang gampanan?

Sabi ng Kapuso actress, “Actually sa sixteen years na rin naman na inikot ko sa industriya, marami na rin naman akong nagawa.

“Of course, there will always be, ano yun, e, kumbaga, diverse naman yung  roles,  iba’t-iba ang puwede mong ilabas.

“Pero,  honestly, ngayon, sinasabi ko rin ‘yan kila Anthony, kila Anna, kila Ms. Gigi.

“Na nasa parte ako ng buhay ko na mas naba-validate ko lang yung fact na mahal  ko ang pag-arte.

“Pero at the same time, yung gusto ko mag-work behind.”

Gusto ba niyang maging director?

“Puwedeng director, puwedeng manunulat, maari din namang produksyon… puwede ako sa aspeto na yun,” pakli niya.

AIMING HIGH. Nang tanungin namin si Chynna kung ano ang tinutukoy niyang eksaktong aspeto o larangan ay nagulat kami sa sagot niya.

“I’d like to be parang in the executive position of a production or like mounting these things.”

Nais ba niyang maging executive producer?

“No, mataas po talaga ever since… actually, bata pa lang ako.

“Naalala ko eighteen ako, may nagtanong sa akin ng same question.

“Hindi ko alam kung natawa ba sila or feeling nila ano bang pinagsasasabi ko.

“Kasi nung eighteen ako, tinanong nila sa akin, ‘Anong gusto mong ma-achieve bilang actor, gusto mo bang magka-award?’

“Yung mga ganun, ’tapos ang isinagot ko, ‘Actually, ano po, may isa po akong panaginip, gusto ko pong maging head ng GMA.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon yung sinabi ko nung bata ako, natawa sila.

“Siyempre parang feeling ko, ‘Tama ba yung sinagot ko? Parang mali yata kasi  nakakatawa.’

“Pero may ganun ako talaga ever since.”

Kaninong posisyon ang ina-aspire niya?

“Oh, my gosh, hindi ko masabi kung anong posisyon,” at tumawa si Chynna.

Paliwanag pa niya, “Kumbaga, mahal ko talaga yung pag-arte and feeling ko iyon din yung naging daan niya para matuto ako tungkol sa industriya.

“Com Arts [Communication Arts] din ako nung college ’tapos sabi sa akin ng tatay ko nung pinayagan niya akong mag-fulltime sa pag-aartista is, ‘Hindi naman natatapos ang learning mo sa college, anak.’

“‘So kung iyan na rin ang industriyang papasukin mo, e, iyan din naman  ang papasukin mo after mag-graduate.

“'So ipangako mo lang sa akin na huwag kang maging tanga!’”

Ang ama ni Chynna ay ang batikan at kilalang advertising man na si Eduardo Ortaleza.

Pagpapatuloy ng aktres, “Iyan ang sabi ng tatay ko, na ‘Huwag ka lang mag-stay diyan sa tent mo at tumanga.’

“So ever since may ugali talaga ako na paikut-ikot, nakikipag-usap, matanong.

“Minsan nami-misinterpret pero kasi ngayon it makes sense dahil din dun sa kakatanong ko, at sa pag-explore-explore ko, alam ko na kasi kung ano yung dapat kong i-mount.

“Yung mga ganun.”

Sa madaling salita, nais ni Chynna na balang-araw ay magpatakbo ng isang buong TV network.

Nais ba niyang maging katulad ng GMA Chairman and CEO na si Atty. Felipe Gozon?

“Opo! Sorry ha, alam ko sasabihin ng iba, parang ang taas naman, pero iyon po talaga, e.”

Dahil babae siya, gusto ba niyang matulad kay Ms. Charo Santos-Concio na naging artista muna bago naging top executive ng ABS-CBN?

“Actually, oo isa rin siya sa mga tao na parang pag nakikita ko siya nai-inspire ako sa kanya.

“Iyon talaga iyon, honestly.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN