Jennylyn Mercado on rekindled onscreen chemistry with Mark Herras in The Cure: "Nakakatuwa."

IMAGE Mark Atienza

Jennylyn Mercado admits that she and her The Cure co-star Mark Herras are being teased by their production crew for their "rekindled" onscreen chemistry: "Sabi nga nila. Niloloko lang po kami palagi sa set."


Kahit sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez ang mag-asawa sa The Cure, halos kalahati ng show ay magkahiwalay sila.

Mas matagal pa ngang nakakasama ni Jennylyn sa mga eksena si Mark Herras na gumaganap bilang si Darius.

Kaya nga tila nabuhay ang loveteam nila ni Mark na nagsimula sa unang season ng StarStruck kunsaan silang dalawa ang hinirang bilang Ultimate Survivors.

Natuwa nga ang mga fans nila sa muli nilang pagsasama sa isang show, at may mga nakapagsabing may chemistry pa rin daw ang loveteam nila.

“Sabi nga nila,” at tumawa si Jennylyn.

“Niloloko lang po kami palagi sa set.

“Nakakatuwa, kasi sila rin yung mga una naming direktor at mga nakasama nung show namin, yung Forever In My Heart.

“First project namin, sila yun.

“'Tapos, kinukuwento nila, nakakainis daw kami dati kasi away kami nang away.

“Lagi kaming nag-aaway, palagi,” natatawang kuwento ni Jennylyn.

Ang Forever In My Heart ay isang GMA serye na umere noong 2004.

Pinagbidahan ito nina Regine Velasquez, Richard Gomez, Ariel Rivera at Dawn Zulueta, kasama sina Jennylyn at Mark.

Ang direktor nito ay si Mark Reyes na direktor din ngayon ng The Cure.

Hindi naman daw pisikalan ang away nila ni Mark.

Ani Jenn, “Hindi naman, salita lang, asaran.”

May nagtanong kung greatest love ba nila ni Mark ang isa’t isa.

Natatawa niyang paglinaw, “Puppy love po.

"Oo, puppy love. Mga nene at totoy pa kami nun.”

Natuwa naman si Jen na muli silang nagkatrabaho ni Mark.

Pagbabalik-tanaw niya, “Matagal na po nung huli kaming nagkasama, e.

“Sa Rhodora X pa.”

Ipinalabas ito sa GMA noong 2014.

THE CURE ENDING. Simula sa Lunes, July 23, ay isang linggo na lang eere ang The Cure.

Kaya tinanong namin si Jennylyn Mercado kung sino ang mami-miss niya sa pagtatapos ng kanilang GMA-7 primetime series.

“Lahat, lahat!

“Kasi siyempre, simula January, nagte-taping na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkakasama na kami since January.

“Seven months na kaming magkakasama, lampas kalahating taon na.

“So talagang yung buong production, bukod sa mga artista, talagang mami-miss namin.

“Ang daming pinagdaanan ng set namin, ng show namin, pero napagdaanan namin nang mabuti,” pagmamalaki niya.

Ikagugulat ba ng publiko kung sino ang cure?

Paklin niya, “Medyo, medyo magugulat sila.”

Tao ba ang cure?

“Tao!

“Sino sa amin?” pa-misteryosang tanong ni Jen tungkol sa identity ng taong magiging gamot sa mga infected ng nakahahawang Monkey Virus Disease, o MVD, sa kuwento.

“Madaming puwede.”

Kahit action-packed ang show, hindi naman ito itinuturing ni Jennylyn na sobrang hirap gawin.

Paglinaw niya, “Challenging lang siyang gawin pero hindi naman po yung hirap na hirap.”

NEW KAPUSO SHOW. Pagkatapos ng trabaho niya sa The Cure, ano ang gagawin ni Jennylyn?

Kuwento niya, “May gagawin ako, dito rin sa GMA.

“Pero ite-tape na namin ng buong month ng September, 'tapos ie-air namin by next year, January.”

Ayaw muna magbigay ni Jennylyn ng detalye tungkol sa naturang show pero ang malaking bahagi ng show ay sa ibang bansa raw gagawin ang taping.

“Excited ako at saka medyo challenging siya para sa akin in a way na hindi ko…

“Kasi ang hirap iwan ng anak ko, e!

“Ang isang buwan parang medyo matagal yun para sa akin,” pag-amin niya.

Hindi naman daw niya maisasama si Alex Jazz sa taping niya out-of-the-country dahil may pasok ito sa school.

Pahabol niya, “Pero papasunurin ko siya siguro mga weekend ng medyo patapos na ang klase.”

NO MMFF ENTRY FOR 2018. Nag-release na ng listahan ng mga pelikulang entries sa darating na Metro Manila Film Festival.

Hindi ba malulungkot si Jennylyn dahil this year ay hindi siya kasali sa MMFF?

Sa mga nakaraang taon ay halos “suki” na kasi siya sa MMFF.

Lahad niya, “Ngayong taon, hindi po talaga muna, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang po, kasi may mga kailangan din po akong gawin ngayong taon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa taping ng The Cure noong July 13 sa San Jose del Monte, Bulacan.

MOVIE PROJECT. May isang pelikulang gagawin si Jennylyn this year.

“Pero hindi po pang-MMFF,” paglinaw niya.

Nagkasama na sa pelikula sina Jennylyn at ang boyfriend niyang si Dennis Trillo sa pelikulang Rosario noong 2010.

Open naman si Jennylyn na magkasama sila muli sa isang pelikula.

“Okay lang naman po, basta tamang project.”

UNFORGETTABLE SCENE. Sa The Cure, ano ang eksenang hindi makakalimutan ni Jennylyn?

“Siguro yung pagtaob nung sasakyan!

“Kasi kailangan namin pumasok sa sasakyan, nakataob siya, nakabaligtad siya.

“Mahirap talaga, e.

“Mahirap sumakay sa sasakyan ng nakabaligtad, e!

“'Tapos, kailangan naming dumrama sa loob habang nakatagilid kami sa loob,” at natawa si Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN