Kylie Padilla reveals how she and Aljur Abrenica deal with being part of rival networks

IMAGE @nheylucenara12 on Twitter (Kylie and Aljur)


Nakakapanibago ba kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na magkaiba sila ng TV networks?

GMA-7 talent si Kylie samantalang ABS-CBN actor na si Aljur.

“Hindi, kasi hindi rin naman kami nagkakasama nung pareho kaming nasa GMA, sa Sunday All Stars lang. So parang ganun din,” at tumawa si Kylie.

Ang Sunday All Stars ay musical variety show ng GMA na umere mula 2013 hanggang 2015 at dating Kapuso artist si Aljur bago lumipat sa ABS-CBN

Kapag nasa bahay sila, may tanungan ba kung kumusta ang kani-kanyang trabaho sa GMA at ABS-CBN?

“Oo, may mga ganun. Actually ang saya kasi our house is bilingual,” at tumawa si Kylie.

Wala raw network war.

“Oo, yung isang TV naka-ABS, yung isa naka-GMA. So it’s all peace.”

Na-excite rin si Aljur nang malaman nito na mapapasama si Kylie sa The Cure dahil maraming action scenes ang mga sinabakan ni Kylie bilang si Adira.

“Nandun siya nung pumipili ako ng tattoo, e!”

May mga sticker tattoos kasi si Kylie sa kanyang karakter sa naturang GMA series.

“Tapos nandun din siya nung first day na suot ko, sabi niya, 'Wow, ang saya mo, ah! May character ka ng ikaw ang gumawa. Ang saya!’”

Idea ni Kylie na may mga tattoo si Adira sa The Cure. At dahil may anak na sila, ang mag-iisang taon na si Alas, hindi ba nahirapan si Kylie sa mga stunts niya sa The Cure?

Special agent kasi siya na pumapatay ng mga infected, ang mga taong nagkaroon ng virus at naging tila mga asong-ulol.

“Walang difference,” ang bulalas ni Kylie. “Kaya ako nag-workout actually kasi para walang ganun, wala akong nararamdaman na iba.”

Sa Agosto pa mag-iisang taon si Alas pero slim na agad si Kylie na tila hindi nanganak.

Diet at exercise raw ang ginawa niya para pumayat.

“Hindi puwede kasing diet lang kasi yung fat na na-store nung nabuntis ka, hindi siya mabe-burn, e. Tinry ko na lahat yun, e. Kailangan talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umabot raw siya sa 180 pounds noong buntis siya.

Very supportive si Aljur sa kayang exercise regimen.

“Parang coach ko siya! Paggising sa umaga, pagbaba niya, ‘Nag-workout ka na?’ Tara, sabay na tayo!”

“Kahit pagod siya, nag-gym na siya, sasamahan pa rin niya ako.”

Samantala, natsismis si Kylie na lilipat, pero si Ryza Cenon na nasa ABS-CBN na.

“Hindi ko alam! Palagi namang ganun pag nawawala ako,” at tumawa si Kylie.

Si Kylie at ang The Cure co-star niyang si LJ Reyes ay napabalitang aalis sa GMA na hindi naman totoo.

“Palagi namang ganun, nung bago ako nabuntis, everytime na mag-a-Australia ako, may ganun palagi, palagi.”

Sa Australia naka-base ang ina ni Kylie na si Liezl Sicangco.

Hindi raw siya na-offer-an ng ABS-CBN na lumipat. “No, hindi, hindi,” sagot ng anak ni Robin Padilla.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN