Romnick reveals why he turned down reunion project with Sheryl Cruz in the past

IMAGE @jerrynyoung on Instagram (left frame)

Romnick Sarmenta explains why he accepted a kontrabida role in the ABS-CBN teleserye Halik. He admits that he received an offer to do a reunion project with Sheryl Cruz but he turned it down.



Kung dati ay guest appearances lang ang tinatanggap ng aktor na si Romnick Sarmenta, nag-eenjoy daw ito ngayon sa pagkakaroon ng regular showbiz project. 

Isang kontrabida ang role ngayon ni Romnick sa ABS-CBN teleserye na Halik. 

Kuwento niya, “Nag-e-enjoy naman ako. Ever since, enjoy naman ako magtrabaho, nami-miss ko yung trabaho.

“Enjoy ako dun sa mga kasama ko, so tingnan natin kung after Halik, meron ding mga susunod na offer na iba naman, 'tapos mukhang enjoy naman so puwede, puwede.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Romnick sa photo shoot nito sa Zoomburst Studio B sa Lansbergh Place, Tomas Morato, Quezon City noong July 17. 

Okay lang ba sa asawa niyang si Harlene Bautista na mag-focus siya sa acting?

Sagot ni Romnick, “Oo naman, actually very supportive naman Harlene na umarte ako."

Ayaw din niyang tumanggap ng kontrabida roles noon, paano siya napapayag?

“Sabi ko nga ayoko, e. 'Tapos kinausap ako ng project director namin, 'tapos kinausap ko din si Harlene. Sabi ko, 'Sige subukan natin.' Explore lang natin, tingnan natin.

“Medyo na-reconcile ko naman sa isip ko na ito pa rin yung pwede kong gawin as an actor, so yun pinasok ko. So far okay naman."

Nagkuwento pa si Romnick tungkol sa role niya bilang Mauro Montefalco sa Halik.

Aniya, “Well he's a very selfish, very self-centered, self-made guy. Kasi siya, e, in a sense, parang ginawa niya lahat para marating kung anong narating niya sa buhay.

“Nung medyo may pwesto na siya, parang very jealous siya and very rebel siya. Every time sa tingin niya na merong umaangat na ibang tao, kailangang harangan niya.

“And meron siyang personal na galit sa anak niya, kasi may history within the family na hindi niya gusto. And anything that has to do with Yen [Santos], against siya.

"Though kontrabida siya in that sense na hindi din siya gray na tao. Simple lang siya, ganyan siya, mahigpit, 'tapos very single-minded."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Romnick sa Halik ang mga aktor na sina Jericho Rosales at Sam Milby. 

Maayos naman daw ang working experience niya sa mga mas batang aktor.

Aniya, “Si Echo [Jericho], nakasama ko siya since Esperanza pa, so medyo meron kaming very short history na nagkatrabaho kami before. And siyempre there’s a past improvement, there’s a past growth.

"Si Sam is napakagaang katrabaho, masarap kakuwentuhan, very lively na tao, very sincere kasi siyang tao."

Patuloy pa ni Romnick, "Between the three of us we share the common interest in motorcycle. Nagkukuwentuhan lang kami, a little comparison, pero enjoy naman kami.

"Si Echo at si Sam wala lang, masaya lang kami sa set. Actually kulitan lang sa set madalas."

REGRETS. Tinanong din namin si Romnick kung may nagsisi ba siya na maaga niyang pinasok ang mundo ng showbiz.

“Hindi, e. Kasi pag inisip ko… I mean, I have no regrets on what I have done in the past.

“Siguro naiisip ko minsan, ano kaya kung naexperience ko yung ganito, ano kaya kung nag-prom ako, ano kaya kung grumaduate ako? Siguro hanep din yung experience.

“Ano kaya kung may group work kayo sa class, yung mga ganong bagay na nagagawa ng mga anak ko na hindi ko nagawa before.

"Iniisip ko, ano kaya yung magiging bago sa pananaw ko in terms of work."

Dagdag niya, “Ako kasi parang tingin ko pag interest mo, pagka puwede mong gawin or kung gusto mo talaga, puwede mong gawin anytime, e.

“I mean hindi sa pag-aano, na-experience kong magkulot, maggupit, mag-manicure, pedicure. May parlor kami dati, so training.

“Kaso hindi na namin nabantayan nang masyado, gumulo yung takbo, sinurrender na namin.

“Nasubukan kong mag-training for barista class, nag0enjoy ako dun, sobra. Kaya lang sabi ko hindi ko pwedeng gawin araw-araw ng buhay ko kasi at one point, ito ba talaga ang gusto kong gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The reason nagtayo kami ng restaurant ni Harlene, kasi pareho kami ng passion when it comes to dining.

"Tingin ko kasi sa dining table, bonding time. So if you have a business na makatulong kang mag-bond lalo yung pamilya, parang gusto ko yun."

Kuwento pa ni Romnick, "Mataas ang premium ko sa family. To the terms na gusto ko kung ako lang masusunod, bawal ang cellphone sa loob ng dining para pag kumakain yung buong pamilya walang cellphone, lahat nagkwekwentuhan.

“Di ba? Lahat nag eenjoy, yung mga ganon.

“So nagisip kami to open up a family restaurant, talagang I was all in for it."

REUNION WITH SHERYL? Sikat ang love team noon nina Romnick at Sheryl Cruz, na aktibo na ring muli ngayon sa showbiz. Bukas naman daw si Romnick na maktrabaho ulit ang dating kapareha.

"Willing naman ako makatrabaho si Sheryl, wala namang problema. Nagkataon lang noon na may show ako sa kabila nang alukin ako na makasama siya sa show.

"Hindi kasi ako yung tao na tatanggap ng show habang may show ako sa iba.

"If ever siguro na inalok nila ako na wala pa akong show, baka tinanggap ko pa." 

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN