Chynna Ortaleza recalls playing a sexual partner of Alden Richards in past project

Chynna Ortaleza is witness to Alden Richards's hard work for the upcoming Kapuso prime-time teleserye Victor Magtanggol: "Never siyang nagpa-cut-off."



Natupad ang hiling ng GMA-7 actress na si Chynna Ortaleza na gumawa ng isang teleserye kunsaan gaganap silang magkapatid ni Alden Richards.

Kuwento ni Chynna, wala pa ang Victor Magtanggol ay nabanggit na niyang isa sa mga gusto niyang magawa ay magkasama sila ni Alden sa show bilang magkapatid.

Natupad nga ang hiling ni Chynna dahil siya ngayon si Lynette Magtanggol-Domingo, ang istrikto pero mapagmahal na ate ni Alden.

Saad niya, “Nagkasama na kami dati ni Alden, f*ck buddies kami sa isang APT Lenten show. From f*ck buddies to baby brother. Ang nakakatawang kuwento nga riyan, alam ko, parang nabanggit ko sa mga boss namin na, kailan ba ulit aarte si Alden?

“Nami-miss ko na siyang umarte.

“Magaling talaga siya for me at yun naman talaga ang gusto niya, di ba? So, sabi nila, ewan ko… siguro baka next year.

“'Tapos sabi ko pa kay Kuya Daryl Zamora, isa sa mga naghe-head sa amin sa Artist Center, sabihin mo naman kay Ms. Gigi [Santiago-Lara], kapag nagkaroon ng show si Alden, gusto ko, kapatid niya. Tapos, tumawa lang sila.”

Si Gigi Santiago-Lara ay ang senior assistant vice president for alternative productions sa Kapuso network.

Biro namin kay Chynna, malakas pala siya sa GMA-7.

“Ewan ko kung malakas ako or nagkataon lang,” natawang sabi ng Kapusl actress.

Ayon pa kay Chynna, silang dalawa raw kasi ni Alden, parang magkapatid naman talaga.

“Ganun talaga yung dynamic namin, para kaming mag-Ate. Kaya sabi ko sa kanya, gusto kitang makasama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Chynna sa ginanap na grand media conference ng Victor Magtanggol sa GMA Annex Building noong July 24.

STILL HUMBLE. Kumusta naman si Alden ngayon?

“Ayos naman siya, mapagbiro pa rin,” sagot ni Chynna.

“Actually sa set, talagang ganun siya, ma-ad lib.  He tries to be very organic which makes the dynamic sa pamilya na mas masaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang nakitang pagbabago kay Alden?

“Pagbabago? Lumaki ang katawan niya,” natawang sabi niya.

E, yung lumaki na ang ulo dahil sa kasikatan, nakitaan niya?

“Hindi naman,” sabi ni Chynna.

“Never ko namang na-feel na lumaki ang ulo niya. At least, sa aspect ng relasyon namin, never kong nakitang nagbago, e.

“At least ako, forever kong nakikita yung humbleness and humility niya.”

Alam nilang lahat na malakas at subok na rin lalo na sa ratings ang makakatapat nilang teleserye.

Pero positibo si Chynna sa pagsasabing may laban sila.

“May laban 'to, may laban,” aniya.

“Kasi ano rin naman, naniniwala rin naman ako sa kakayahan ni Alden. Nakikita ko rin naman ang tiyaga niya which is, grabe.

“Kami na nga ang nahihiya sa kanya sa work ethics niya sa Victor Magtanggol for the past how many months. Alam ko kung gaano siya kapagod.

“Nag-i-Eat Bulaga! siya, may mga negosyo, guesting, 'tapos kailangan niyang mag-taping ng Victor hanggang... well, hindi siya nagpapa-cut-off, e.

“Actually, noong magkita kami sa storycon, yun ang sinabi niya, 'Ibibigay ko lahat ng kaya ko rito, lahat ng energy,' at hindi siya nagbibiro run, ha.  

“Like ako, iniisip ko, magpapa-cut-off yang si Alden kasi may Eat Bulaga! siya the following day, pero never siyang nagpa-cut-off.”

NO PLANS FOR SECOND BABY. Bukod sa pagiging misis at nanay,  busy si Chynna hindi lamang sa Victor Magtanggol, business woman na rin siya dahil sa itinatag nilang recording label ng asawang si Kean, ang OC Records.

Kaya yung pagkakaroon ng second baby, wala pa raw talaga sa plano niya.

“Parang stop muna,” mabilis niyang sagot.

“Pero unless siguro na sure na sure na lalaki yan, baka. Pero hindi e, hindi ko pa napi-feel.  Sabi ko kay Kean, hindi ko pa napi-feel na dapat tayong magpangalawang anak.

“Siya naman, 'Tama naman yun.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka naman si Kean, gusto na ng pangalawang baby, siya lang ang pumipigil?

“Hindi naman niya sinasabing 'Gusto ko na,' pero nagsa-suggest siya na, 'You might want to consider another child.' 

"Pero ako, nandoon pa rin ako sa pakiramdam na hindi na nga natin ma-manage perfectly yung oras natin sa bahay, sa sarili, sa negosyo, 'tapos dadagdag pa tayo, ayoko naman.

“Okay naman kahit isang baby lang.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN