Ken Chan thankful for dad's successful operation

IMAGE Rommel Gonzales

Kapuso actor Ken Chan heaved a sigh of relief when he found out about his dad's successful esophageal operation


Naging emosyunal ang Kapuso actor na si Ken Chan noong sumailam sa isang maselang operasyon ang kanyang ama.

Nagkaroon ng sakit sa esophagus ang ama ng aktor, at noong nakaraang July 24 ay pinost niya ang photo magkasama sila sa kuwarto nito sa ospital.

Heto ang Instagram post ni Ken:

“ilang operasyon na ang pinagdadaanan mo patuloy ka pa din lumalaban. Sa gitna ng mga nangyayari hindi mo pa din kinakalimutang tumawa at ngumiti. Huwag kang magalala ilalaban ka namin. SPECIAL kang tao at proud ako ikaw ang TATAY ko!”

CONFLICTING SCHEDULES

Nataon namang kasabay ng surgery ng kanyang ama ang naging schedule ni Ken para sa immersion project para sa gagawin niyang bagong teleserye sa GMA-7.

Sa naging interview ni Ken sa news program na 24 Oras noong nakaraang July 27, pinipigil nito ang kanyang pag-iyak dahil wala siya sa ospital noong simulan nang operahan ang kanyang ama.

Lahad niya, “Sabi ko po sa kanya, ‘Pa, hindi ako makakapunta sa operation mo kasi may gagawin ako para sa series.’

“Ang sabi niya sa akin, ‘Bago ako operahan, ikaw pa rin ang ipag-pe-pray ko.’”

Nawala naman daw ang kaba ni Ken nang malaman niyang naging successful ang operasyon ng kanyang ama at nasa recovery stage na ito.

NEW TELESERYE

Ang ginawang immersion pala ni Ken ay para sa pagbibidahan niyang teleserye tungkol sa isang 23-year old na may intellectual disability.

Sa ngayon, wala pang title ang naturang show.

Ngayon lang ulit bibida si Ken pagkatapos ng kanyang unang pagbida bilang isang transgender woman sa Destiny Rose noong 2015.

Marami nga raw siyang natutunan sa pakikipaghalubilo niya sa mga taong may intellectual disability.

“Ang sarap nila kausap, ang sarap nila kasama.

“Akala ko ang dami ko nang kayang gawin, pero 'pag nakakausap mo sila, mas marami ka pa palang matututunan sa kanila,” diin pa ni Ken na huling napanood sa teleseryeng The Cure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN