Victor Magtanggol director on copycat issue with Thor: "Publicity is publicity..."

IMAGE @artsofghostelf on Instagram

Victor Magtanggol director Dominic Zapata defends their GMA-7 show from those comparing it to the Hollywood film Thor. Alden Richards (right) is the lead actor of the Kapuso show while Chris Hemsworth (left) played the lead in the franchise. 


Para kay Dominic Zapata, double standard na umiiral pagdating sa kanyang latest project, Victor Magtanggol.

“When foreigners borrowed something from Norse mythology, okay lang, but when Filipinos borrowed something from Norse mythology, bakit tayo ganun?

“Bakit ganun ang reaction natin kapag Pilipino na yung gumawa? Sasabihin, ‘Kinokopya ninyo!’

“You haven’t even seen the product.

“We weren’t even mentioning Thor, you just saw the hammer. The truth is, the show starts after Ragnarok, where Norse mythology ends.

“Marvel never had to tackle that, Thor was always alive. Here Thor dies!

“And that’s where the story begins, after Thor dies.”

Ito ang pahayag ni Direk Dominic bilang depensa sa mga nag-aakusa at namba-bash na ang teleserye niyang Victor Magtanggol ay ginaya mula sa Hollywood movie na Thor.

Nakausap namin ang Victor Magtanggol director sa grand presscon noong July 23 sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ang mga bumubuo ng cast ng show bukod sa bidang si Alden Richards (bilang Victor Magtanggol/Hammerman) ay ang mga gaganap na gods at goddesses na sina John Estrada bilang Loki; Andrea Torres bilang Sif: Pancho Magno bilang Modi; Miguel Faustman bilang Magni/Magnusat ang special participation ni Conan Stevens bilang Thor.

Binubuo naman ang Magtanggol Family nina Al Tantay bilang Tomas Magtanggol; Chynna Ortaleza bilang Lynette Magtanggol-Domingo; Dion Ignacio bilang Perci Domingo; Lindsay De Vera bilang Anne Magtanggol; at si Yuan Francisco bilang Meloy Domingo, kasama rin si Reese Tuazon bilang Honeylyn; at sa isang importanteng papel ay si Ms. Coney Reyes bilang Vivienne.

Ang Regalado family naman ay binubuo nina Eric Quizon bilang Hector Regalado; Freddie Webb bilang Renato Regalado; Maritoni Fernandez bilang Alice Regalado; Kristoffer Martin bilang Lance Espiritu; at si Janine Gutierrez bilang si Gwen Regalado.

Mapapanood na ang Victor Magtanggol simula ngayong Lunes ng gabi, July 30, sa GMA.

Sumasama ba ang loob ni Dominic na may mga namba-bash sa Victor Magtanggol ng pangongopya o kawalan ng originality diumano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na kapag Pinoy ang gumawa, masama o kinopya, kapag Hollywood, hindi?

“I wouldn’t say I feel bad, but I feel sad kasi dati nga sabi ko yung crab mentality, yung talangka mentality, hindi ako naniniwala dun, e!

“Pero minsan may nakikita ako na evidence that would point na meron pa rin siya siguro.

“Little pockets of society would probably still perpetuate that kind of behaviour.

“But I tell you what and I’ll probably be using this for the rest of the night, my example would be like; do you eat California Maki?

‘It’s Japanese food. Pero yung California Maki na alam natin, yung California Maki pangalan, nasa States yun, e. Tapos yung California Maki, iba pa sa California Maki natin.

“California Maki nila, avocado yung laman. Yung sa atin, ang ginawa natin, ginawa nating mango ang laman.

“Meron tayong puwedeng kunin na foreign culture and we could make something out of it and we could actually like it!

“So let’s not stop ourselves from doing so because let’s admit that the Philippines is a melting pot of a lot of cultures. There’s a lot of good that we were able to get from foreigners.

“Our religion. Maybe… our fashion. The way we speak, the way we shoot television shows!

“This is all kind of borrowed but then we kind of bend it a little bit and put a spin to it using our own creativity.

“And Victor Magtanggol is no different!

“So before we start bashing it, let’s realize that one aspect.

“And second, and this I feel very emotional about; I want people to realize also that for every show that we make, we put a lot of work into it.

"Around more than 200 people are involved in every show hoping that the show will succeed and be able to last for at least four months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang mga taong ito hindi kumikita habang walang show. Kumikita lang sila habang may show.

“So if you’re going to dissuade viewers from watching, please remember that 200 people are making a living out of making this show.

“So ako kasi palagi kong pinangangalagaan yung show kasi iniisip ko gusto kong magtagal ito kasi kilala ko na sila, may mga pamilya sila.

“Inaanak ko yung mga anak nila, gusto nilang makatapos ng pag-aaral.

“So I owe it to them to come up with a good show so that it will succeed and it will last long enough para to tide them over till the next project.”

Sa palagay ba niya ay may naitutulong naman ang mga pamba-bash sa Victor Magtanggol? Na baka ma-curious ang mga bashers at panoorin ang show?

“I think if they don’t wanna see it they really won’t see it,” at tumawa si Dominic.

“That’s the truth of the matter. But publicity is publicity so it could help the show.

“I know it did that for Alyas Robin Hood.

Noong ipapalabas pa lamang ang Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes (na si Dominic rin ang direktor) ay may mga bashers na sinabing kopya ito sa Arrow na show sa Amerika.

Pero nag-rate ng mataas ang ARH (2016) maging ang Alyas Robin Hood 2 (2017).

“And sige okay lang naman sa akin, e, if they want to bash it. But please just try not to dissuade viewers from watching it because ayun, medyo baka magkapersonalan tayo dun kasi nga mga buhay ng tao ang naaapektuhan, e.

“Kabuhayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN