Did Alden Richards feel intimidated by co-stars from ABS-CBN?

Alden Richards admits, "Dati, nagi-MRT ako, dinadaanan ko lang ang GMA."



Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden Richards noong grand presscon ng Victor Magtanggol, tinanong namin siya kung ano ang nararamdaman niya na makalipas ang ilang taon, muli siyang magbabalik sa primetime bilang solo actor.

Excited ba siya o pressured?

“Halo-halo na po,” natatawang sagot naman ni Alden.

“Pressure, excitement. Pero mas malaki po ang feeling ng accomplishment dahil nakaya po namin ang hirap ng paggawa ng Victor Magtanggol.

Excited na ang Pambansang Bae na mapanood ng lahat ang pilot episode ngayong gabi, July 30, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

“Excited po ako,” saad niya.

“Napanood ko na po kasi ang pilot. Binigyan po ako ng privilege ng management na mapanood ang pilot at hindi po ako makapaghintay na maibahagi sa lahat ng manonood, sa mga fantaserye fans dahil makikita niyo na po ang pinaghirapan namin simula pa sa first quarter ng taong ito.”

Dalawang katauhan ang ginagampanan ni Alden sa pagbabalik niya sa primetime series: si Victor Magtanggol at si Hammerman.

Kung tatanungin siya, ano ang pagkakapareho niya bilang si Alden sa dalawang katauhang ginagampanan niya ngayon?

“Well, si Victor Magtanggol, ang dami naming pagkakapareha in-terms sa buhay. Family-oriented, maaasahan, hardworker. Inuuna ang iba bago ang sarili.

“Ang difference naman namin ni Hammerman, si Hammerman, maraming sikreto. Ako, wala naman akong sikreto. Basically, what you see is what you get po.”

Halos marami sa mga co-stars ni Alden ngayon sa Victor Magtanggol ay ngayon niya lang din makakasama sa unang pagkakataon.

Isa na rito si John Estrada na siyang gaganap na kontrabida sa kanya.

“Alam niyo, noong storycon pa lang po ng Victor Magtanggol, wala ni bahid ng ere sa mga kasama namin sa cast,” lahad niya.

Pero inamin ni Alden na sa sa mga co-stars niya, na-intimidate raw siya noong una kina John at Coney Reyes na parehong nanggaling ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Alden, “Medyo intimidated po ako especially kay Kuya John at kay Ms. Coney kasi, they came from a different network.

“Nandoon yung inhibition na baka hindi sila ganun ka-warm towards their co-actors. But I was proved wrong. Maling-mali,” saad niya.

“Tapos si Kuya John, parehas ko rin, luko-luko rin. Parehas kaming happy-go-lucky. Si Tita Coney, very prayerful. Very kind and very warm, sobra po.”

Tinanong namin si Alden kung ano nga ba ang pakiramdam kapag nababasa o naririnig niya na halos lahat ng mga artistang naka-trabaho niya mula noon at hanggang ngayon, palagi siyang napupuri pagdating sa ugali niya.

Ang madalas sabihin, hindi siya nagbago kahit na sumikat.

“Masaya po ako, e,” nakangiting sabi niya.

“Parang simula nang magsimula naman po ako, wala naman po akong pinakitang pagpapanggap sa mga taong nakakahalubilo ko.

“Kung ano ko on-cam, ganun din ako off-cam.

“At kung ano ang nakasanayan nila sa akin, walang nagbago po run.

At sabi nga niya, “Siguro yun po ang sikreto para maging maganda ang working relationship mo with a lot of people is, panatilihin mo yung mga attitudes mo na nagustuhan nila before.

“And sa akin naman po, it’s really not a conscious effort kasi, yun naman po talaga ko.”

Hindi rin biro ang itinataya sa kanya ng network pagdating sa tiwala. Ang Victor Magtanggol ang sinasabing pinaka-malaking primetime series sa taong ito ng Kapuso network.

Nararamdaman ba niya yung ganoong kalaking tiwala sa kanya?

“Sobra, sobra po!” mabilis niyang sagot.

“Dati, nagi-MRT ako, dinadaanan ko lang ang GMA. Nangangarap na sana one day, maging part din ako ng isang network and ngayon, para mabigyan ng ganitong klaseng opportunity, si Lord talaga magaling.

“Kapag nagbigay siya ng blessing, hindi mo mahawakan lahat, overflowing.

Ganun ang pakiramdam ko sa blessing ng network sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN