Heart Evangelista considers GMA network her true home

by Arniel C. Serato
Aug 3, 2018
Muling pumirma ng kontrata si Heart Evangelista with GMA-7 on July 31, 2018. Masaya daw siya sa kanyang pagiging Kapuso sa loob ng halos sampung taon. 

Kapuso pa rin ang aktres na si Heart Evangelista.

On July 31, 2018, muling pumirma ng kontrata si Heart sa GMA network.

Kumpleto naman halos ang GMA executives sa contract signing ni Heart kabilang na sina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Executive Vice President and CFO Felipe Yalong at SVP for GMA Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable.

Ayon sa post ni Heart sa kanyang Instagram, itinuturing niya ang Kapuso station na kanyang totoong tahanan sa showbiz.

Aniya, “A huge thank you to the people who have been with me since day 1. This year I celebrated my 20th year in show business.

“Today we signed on for more exciting times with the network I call home. I can’t wait to see what’s next for us, @gmanetwork!”

Sa panayam naman sa kanya ng GMA News Online, sinabi ng aktres na masaya talaga siya bilang Kapuso.

Continue reading below ↓

Kuwento pa niya, “Sobrang happy to be a Kapuso. Even if I don't have a contract, I think I'll be a Kapuso.

"I'm very content with my life, I'm very happy where I am and I'm very excited for what I have and what I will be doing with GMA."

Taong 2008, lumipat si Heart sa GMA mula sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula sa kanyang karera.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling pumirma ng kontrata si Heart Evangelista with GMA-7 on July 31, 2018. Masaya daw siya sa kanyang pagiging Kapuso sa loob ng halos sampung taon. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results