Coney Reyes almost rejects Victor Magtanggol for this reason

Coney Reyes said she and Alden Richards did one thing before they shot their emotional scene in Victor Magtanggol.


Thankful ang veteran TV and film actress na si Ms. Coney Reyes na hanggang ngayon ay nabibigyan pa siya ng mga magagandang roles on television.

Bihira nga raw tumanggap ng trabaho sa TV si Ms. Coney, pero ang ikinatutuwa niya ay parating maganda ang role na ino-offer sa kanya kaya naeengganyo siyang tanggapin ito.

“Sa tinagal ko na sa industriya, 44 years to be exact, nagampanan ko na ang halos lahat ng klase ng roles on TV and even sa movies.

“Pero sa takbo ngayon ng industry natin, mas nasa TV na ang trabaho ng maraming artista ngayon. And of course, kung sino ang sikat na artista ngayon, sila ang nabibigyan ng mga mgagandang roles, di ba?

“What makes me happy in accepting TV work ngayon are the roles na ino-offer nila sa akin.

“I mean, they can offer me roles ng isang mother or even a grandmother. But the roles given to me are really good kaya gusto ko rin siyang gawin.

“That’s why I always thank God for such a wonderful career.

“Tumanda na ako sa industriya at ang dami nang mga artista. But still, the Lord provides and gives me good roles na alam Niyang ikatutuwa kong gawin,” pahayag ni Ms. Coney sa naging panayam namin sa kanya sa media launch ng GMA-7 telefantasya na Victor Magtanggol.

Sa naturang telefantasya, ang karakter ni Ms. Coney ay si Vivienne, ang nawalay na ina ni Victor as played by Alden Richards.

Huling GMA teleserye ni Ms. Coney ay ang 2014 prime-time series na Ang Dalawang Mrs. Real.

Inamin ni Ms. Coney na tinanggihan na raw niyang gawin ang teleserye dahil hindi pa raw siya handang tumanggap ng trabaho on TV.

Pero ang pinapasalamat niya na hinintay daw siya ng GMA-7 kung kelan siya ready na mag-taping.

“When they offered me the part noong March, I turned it down. Kasi I wasn’t ready to work pa on TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was enjoying my time kasama ko ang mga apo ko. We were traveling and all that.

“Pero they said na first choice nila ako to play Alden’s mom at ni-request din daw ako nung bata.

“So medyo nagkainteres ako sa role. So sinabi ko na I will let them know kung kelan ako puwedeng mag-work na. Plus gusto ko ring makatrabaho si Alden.

“Tumatanggap naman ako ng teleserye, pero not one after another.

“Like yung huli ko was My Dear Heart sa ABS-CBN 2. Noong June 2017 pa iyon natapos.

“Hindi sa mapili tayo, pero after working on a TV series for like four or six months, gusto kong mag-timeout muna.

“Hindi na kasi tayo kasing lakas noong mga 15 or 20 years ago.

“And I like spending lots of time with my kids and my grandkids,” ani Ms. Coney.

Noong May na raw pumwedeng mag-taping si Ms. Coney at nataon na magsu-shoot ang mga eksena sa ibang bansa ang Victor Magtanggol.

“When I told GMA-7 na I’m ready to work again, inayos na nila ang pag-shoot namin ng mga scenes sa Japan.

“My first taping day was that scene na pinapakita sa trailer na nag-meet kami ni Alden sa park.

“Kaya mabigat kaagad yung scene. Kasi iyakan agad.

“Before we shot that scenes, I asked Alden if we could pray first. Para lang ma-bless kami ni Lord for that scene.

“Ang bilis umiyak ni Alden. So I held him. Tapos sabi niya, 'Kasi naalala ko ang mama ko sa inyo.' Siyempre, naiyak na ako! Pati ako sumabay na sa pag-iyak!

“I’m sure you know his story, di ba?

“Kaya blessed ni Lord yung eksena namin na iyon.

“We both were able to open up and feel that scene. Para talagang tunay kaming mag-ina,” kuwento ni Ms. Coney.

Nagkaroon pa raw sila ng mahabang oras ni Alden na mag-bonding pagkatapos na kunan ang eksenang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He opened up to me. Napakagaan ng loob ko sa batang ‘yan.

“But, of course, yung mga napag-usapan namin, secret na iyon.

“Maraming artista na lumalapit sa akin and they just open up.

“Pakiramdam daw kasi nila na mapagkakatiwalaan nila ako and I don’t break that trust.

“It’s the way the Lord wants me to share with these young people.

“Showbiz can be a stressful job. Marami kang pakikisamahan, marami kang kailangan i-please… I should know kasi napagdaanan ko lahat ‘yan.

“Ang ina-advise ko lang naman sa kanila is always pray.

“Pray for all the good and the not-so-good things that is happening in your life.

“Kailangan may open communication ka with Him.

“If we spend so much time with all these gadgets to communicate with our friends and family, ano ba naman ang ilang minute na prayer for the Lord, di ba?” pagtapos pa ni Ms. Coney Reyes.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN