Pinapalabas na sa TvN Asia ang ginawang show ng mag-pinsan na sina Ciara Sotto at Danica Sotto na One Night Food Trip-International Edition.
Sa show na ito, nakalaban nila ang dalawang South Korean stars na sina Nichkhun of 2PM South Korean boy band at si Alexander Lee. Ang former U-Kiss member na si Alexander ay naging leading man ni Heart Evangelista sa GMA-7 teleserye na My Korean Jagiya.
Si Ciara ang siyang taga-tikim ng mga spicy food dahil hindi raw mahilig si Danica sa mga maanghang na pagkain. Ani Ciara, “It’s something new for me.
“I’ve never done a show na I have to try this or that or try something new. Tapos with Danica pa, I think, I couldn’t let the opportunity pass, siyempre, bilang taga-rito kami, Philippines.
Na-meet lang daw nila ni Danica ang kalaban nilang team mula sa South Korea na sina Nichkhun at Alexander sa ginanap na press conference sa City of Dreams ilang linggo na ang nakararaan.
“They’re very nice and friendly and they actually took selfie video pa with us promoting the show.
“They’re friendly,” lahad ni Ciara.
Ibang karanasan din para kay Danica na kilalang magaling magluto ang ginawa niya sa One Night Food Trip-International Edition.
Ayon kay Danica, “Masaya, kasi this is not just a show about eating or challenges. But this show will really show you how beautiful the Philippines is.
“Ang dami rin naming natutunan na kahit Filipino kami at taga-rito kami, meron din kaming mga dishes na first time naming na-try.
“We also have challenges na kinailangan naming ma-accomplish.
“Lahat ng manonood, mag-e-enjoy. Habang nagsu-shoot, I really enjoyed shooting it, what more yung manonood pa.”
Dugtong pa niya, “We also showed the culture of the place.
“So for those who love to travel and then food trip, this is the show.”
Alam daw nila na maraming Pinoy na talagang naa-adik sa Korean drama, K-pop at maging Korean culture.
Naniniwala si Danica na sa pamamagitan din ng One Night Food Trip-International Edition, posibleng ma-in-love rin ang mga Koreans sa bansa.
“Actually, di ba, we’ve worked with all Koreans during the shoot. Lahat sila, mula sa director hanggang sa videographer and through that, mas nagkakilala kami.
“They’re very professional, they’re very maasikaso and talagang they researched about our country. And every time na may food trip, meron din kaming parang trivia na kinukuwento about the Philippines.
“This is going to be very good also for our country.
“Nag-benefit tayo at the same time, those who are watching also, mabibigyan sila ng tip.”
Kung ang mag-pinsan na sina Danica at Ciara ay sa Coron at Legazpi nag-food trip, ang dalawang South Korean stars naman ay sa Cebu at Pampanga ang naging destinasyon.
Ang makakakuha ng maraming stamps sa dalawang grupo ang tatanghaling winners at mabibigyan ng golden passport.
Posible bang sila ang manalo laban sa dalawang K-pop stars?
“Ang masasabi ko lang, wala kaming inurungang challenge. So, let see, let see. May the best team win,” nakangiting sabi ni Danica.
Ang 4 episodes ng kanilang show ay mapapanood tuwing Lunes sa TvN Asia, isa sa mga kilalang cable channel sa South Korea.