“Yes opo, dyusko Lord!” bulalas ni Alden Richards nang sabihin namin sa kanyang "This is it, Alden!''
Ito ay patungkol sa pilot airing ng Victor Magtanggol sa GMA-7 noong nakaraang July 30, matapos ang matagal-tagal na paghihintay ng mga fans at netizens.
Ano ang mas naramdaman ni Alden: excitement, pressure, o nerbiyos?
Lahad niya, “Mas lamang po yung... excited po talaga akong mapanood nila yung pinaghirapan po namin ng since March po.
“So, excited po ako na makita nila yung kung paano po naming pinaghirapang gawin itong Victor Magtanggol.
“Kasi isa po ito sa pinaka-challenging soaps na nagawa ko sa GMA.
“Tsaka isa po ito sa pinaka-ipinagmamalaki ko na excited po talaga akong mapanood nila yung pilot day.”
GIVING CREDIT TO DIRECTOR
Sabi rin ng direktor niyang si Dominic Zapata, isa na ito sa pinakamalaking proyektong nagawa nito bilang direktor.
Pagmamalaki ni Alden, “Naku, very honored po talaga na si Direk Dom yung nakahawak po, naka-handle po nitong Victor Magtanggol.
“Kasi nung prinesent po sa akin ng GMA yung istorya nito, hindi po siya basta-basta, e!
“And then nung parang nakikita ko po yung takbo nung istorya, parang sinabi ko po na, parang si Direk Dom po yung deserving na magdirek po ng Victor Magtanggol.
“So sa awa po ng Diyos, nabigyan po ako ng opportunity na makatrabaho muli si Direk, kasi nakatrabaho ko na po siya sa ibang mga projects po na nagawa ko sa GMA.
“And thankfully, eto na po, siya po talag yung humandle at nakita naman po natin kung gaano kaganda po yung direction ng Victor Magtanggol from the plugs that we saw earlier po.”
May trailer o plugs na ipinalabas during the presscon ng Victor Magtanggol noong July 23 sa Studio 7 ng GMA Network Center kung saan nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden.
COSTUME DESIGN
Napag-alaman din naming malaki ang kinalaman si Alden sa pagpili ng costume ni Hammerman, ang persona ni Victor Magtanggol kapag superhero na ito.
Sabi niya, “Yung costume po, dun po ako nagkaroon talaga ng malaking ambag.
“Kasi nakailang revisions po kami ng costume bago po…”
Mga ilang revisions sila?
Aniya, “Mga tatlo po, bago po namin narating itong final costume ko.
“So, marami na pong naging improvements and adjustments from the first one.
“And nakakatuwa po, kasi parang umaabot na po ako minsan sa kahit sa sarili ko po na parang, ‘Makulit na ba ako masyado?’
“Pero andiyan pa rin po talaga yung team namin na very understanding.
“Even yun po, si Edrian kanina, siya po yung nagde-design ng costumes, ng mga monsters, lahat ng effects.
“Ano po siya, willing to adjust po talaga siya.
“Kasi siyempre po, itong ganitong mga proyekto, bihira lang ibigay sa isang lifetime.
“So talagang yung efforts ko po para mapaganda yung show, in my own creative way, ibubuhos ko po lahat dito sa show na ito.”
Si Edrian Baydo ang costume designer ng Victor Magtanggol.
Nasa sixty percent naman daw ang input ni Alden sa paglikha ng kanyang costume bilang si Hammerman.
“Kasi gumagawa po si Edrian ng concepts, ng mga hitsura, ng mga costume, and then ipapasukat po sa akin.
“Siyempre po pag hindi maganda, papa-revise po ulit.
“Gagawa na naman po si Edrian ulit ng panibago, and then ang final arrangement po na inayos namin was pinagsama-sama po namin yung mga design from the first draft, hanggang sa ito na po ang naging hitsura,” pagtatapos niya.