Benjamin Alves credits acting workshops for sharper artistic focus

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves admits that undergoing acting workshops always keeps him ready for any challenging role, no matter how unconventional.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin Alves sa presscon para kay Anthony Vincent Bova, ang international acting coach na narito muli sa Pilipinas para sa empowerment training o acting workshop ng GMA Artist Center noong July 17 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Bukod kay Benjamin ay nasa presscon din sina Anna Feleo na co-teacher ni Mr. Bova, Ms. Gigi Santiago-Lara (VP for Alternative Productions ng GMA), at ang mga Kapuso stars na sina Andrea Torres (na gumaganap bilang Sif sa Victor Magtanggol), Mikoy Morales, Gil Cuerva, Chynna Ortaleza (na si Lynette sa Victor Magtanggol) at Thea Tolentino.

Tinanong namin si Benjamin kung bakit siya nagwu-workshop.

Bulalas niya, “To stay sharp po the whole year.”

“Kasi I’m very lucky for this new soap.

“Iba po yung ibinigay sa aking character as a bad boy. Mekaniko siya, very far from what I do.

“So even then, still I’m able to use what I’m learning in the workshop.

“Para kahit first time kong mabigyan ng ganung role, mas malalim siya para sa akin, mas tao po siya.

“Hindi yung parang, ‘Ah, kailangan ganito siyang magsalita, ganito siyang kumilos.’

“Mas hinahanap ko po dun sa character ni Joaquin yung, 'Ano ba siya bilang tao?'

“Iyon ang lagi kong tanong, and how do I show it?

“And what does Joaquin need from me, and how do I show that using the process that we learn from Anthony.

“Yung mga archetypes nga po.

“And then, of course, eventually, when I do yung mga mayaman na roles ulit, paano ko ba magagawa yun na iba yung from before, and more so, paano ko siyang gagawin from that character, kung paano siya sa totoo.

“Yung human, true, very human approach po.”

Napapanood si Benjamin bilang Joaquin sa Kapag Nahati Ang Puso sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na mabilang ni Benjamin kung naka-ilang workshop na siya mula noong mag-artista siya.

Pero pangalawa naman daw niya itong kay Mr. Bova, na ang una ay ginanap noong February of 2017.

“But in-between workshops, meron kaming workshops with Miss Anna [Feleo].”

ACTING GOALS

Naniniwala si Benjamin na mas epektibo bilang artista na ipakita ang kanyang karakter sa Kapag Nahati Ang Puso bilang totoong tao kaysa bilang artista na umaarte.

Pag-amin niya, “Opo, e!

“Kasi in the end, hindi naman po aktor yung pinapanood po dun sa role.

“Si Joaquin, hindi po siya artista, tao po siya.

“He’s not even a mekaniko, tao po siya.

“Mapagmahal sa pamilya, may mga pinagdaanan sa buhay, na kailangan kong maipakita sa audience.

“Kasi iyon po yung goal namin, na hindi lang po manood yung audience, yung maramdaman nila kung ano po yung nararamdaman ni Joaquin.

“And that goes with the wonderful writing, the wonderful director that we have [Gil Tejada, Jr.], collaborative naman po iyon.

“But yung trabaho ko bilang actor, iyon po yung kailangan kong maipakita.

“Na sana mahalin nila si Joaquin kung paano ko siya minamahal.

“Kasi alam ko na kung makikita nila na magawa kong tama yung trabaho ko, makikita nila yung totoong Joaquin, yung tao na Joaquin, magugustuhan nila siya.

“Kasi nga po I find the role very challenging because madali pong kainisan siya kasi dalawa po yung babae e, di ba?

“So kailangan kong magawa na hindi mainis yung tao, yung maramdaman nila, kung paaano mo maipapakita na minahal mo yung dalawang babae nang tunay.

“Hindi yung parang, usually po kasi baka ma-dismiss na, ‘Ah, playboy siya!

“Pinaglaruan niya young mag-ina.’

“So I don’t want that to happen. I want them to see na mahal ko silang dalawa pareho na pantay.”

Ang dalawang babaeng karakter sa Kapag Nahati Ang Puso ay sina kasama sina Sunshine Cruz bilang Rio at Bea Binene bilang Claire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ART IMITATES LIFE?

Naranasan na ba ni Benjamin na magmahal ng dalawang tao ng sabay sa tunay na buhay?

“Hindi, hindi po,” at tumawa ang Kapuso hunk.

Kahit noong hindi pa siya artista?

Tanggi niya, “No, no, hindi po.

“Mas madali po ang buhay ko.

“Mas masaya po kapag isa lang ang nasa puso, wala siyang kahati.

“So masaya po ako sa buhay ko.

“Mas simple ang buhay, mas masaya, wala kang pinoproblema.”

Marami naman daw ibang dapat problemahin sa buhay.

Aniya, “Kaya bakit ko pa gagawing kumplikado yung tungkol sa puso?

“At happy naman po ako kung nasaan ang puso ko ngayon.”

Going strong ang relasyon nila ni Julie Anne San Jose.

“Opo, opo!”

Dagdag pa ni Benjamin, tungkol naman sa Kapag Nahati Ang Puso.

“And I also wanna make it a point na here sa Kapag Nahati Ang Puso, hindi naman niya minahal nang sabay, nagkataon lang na minahal niya yung dalawang babae na mag-ina pala.

“Hindi naman po niya pinagsabay,” paglinaw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN