Ano ang unang pumasok sa isip ng direktor na si Gina Alajar at ano ang naramdaman niya noong una niyang nalamang ididirek niya ang Superstar na si Nora Aunor?
Ito ay para sa bagong GMA-7 teleserye na Onanay.
Natatawang pag-amin ng batikang direktor, “Siyempre, di ba? Whoa! Whoa! Talaga ba?!?”
Hindi ba siya agad naniwala na “mahahawakan” niya ang Superstar sa isang TV project?
Lahad niya, “Well, hindi mo alam kung maniniwala ka o hindi, kung totoo o ano, kung matutuloy or hindi.
“Kasi nung sinabi sa akin yun, ano e, under negotiations pa kay Guy.
“So may araw na oo, may araw na hindi, yung ganun.
“May araw na backout, may ganun.
“So… but we were, kami ni Miss Helen [Rose Sese, GMA’s Senior Program Manager], we were praying na sana tanggapin niya.
“Kasi you know she will be really very, very good for the project.
“Yung ganun.”
At nang sa wakas nga ay natuloy na ang Superstar sa Onanay, bigla daw siyang kinabahan.
“Siyempre kinakabahan ako, di ba?” at tumawa si Gina.
“Dahil you don’t direct her, you don’t direct a Nora Aunor.
“So siyempre binabantayan ko yung sarili ko, baka mamaya madulas ako, hindi ba?
“Baka mamaya biglang nakakalimot ako sa sarili ko sabihin ko sa kanya, ‘Guy, dito ka ha?’
“Yung ganyan, ‘Ganito ang gawin mo, ha?’
“So siyempre very ano ako, very careful.
“Very careful ako na... you know, na yung pagkausap ko sa kanya will not sound as if I’m giving her directions, you know.
“Because I know, she knows what to do.
“Yung ganun.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina sa presscon ng Onanay noong July 26 sa Le Rêve Party Venue and Events Place sa Quezon City.
Gaganap si Jo Berry sa Onanay bilang si Onay; si Mikee Quintos bilang si Maila at si Kate Valdez bilang si Natalie, na mga anak ni Onay.
Kasama rin sa Onanay si Ms. Cherie Gil bilang Helena; Gardo Versoza bilang Dante; Wendell Ramos bilang Lucas; Rochelle Pangilinan bilang Sally; Vaness Del Moral bilang Imelda; Enrico Cuenca bilang Oliver; at ang special guest na si Adrian Alandy bilang Elvin.
Magsisimula na ang Onanay sa Lunes, August 5, sa GMA.