Mikee Quintos excited to work with Superstar Nora Aunor

IMAGE Noel Orsal

Mikee Quintos couldn't contain her excitement when she found out that she was working with iconic actress Nora Aunor for GMA-7's latest teleserye, Onanay: "Nung nalaman ko, as in, 'Oh my God! Serious? Serious?!?' As in, ang unang-unang dating sa akin, sabi ko, 'Ayokong ma-excite, ayokong ma-excite!' Kasi pag na-excite ako masa-sad ako kapag hindi natuloy, e."


Tinanong namin si Mikee Quintos kung ano ang una niyang naramdaman nang malaman niyang ang respetado at premyadong aktres na si Nora Aunor ang makakasama niya sa bagong GMA-7 seryeng Onanay.

Lahad niya, “Nung nalaman ko, as in, ‘Oh my God! Serious? Serious?!?’

“As in, ang unang-unang dating sa akin, sabi ko, ‘Ayokong ma-excite, ayokong ma-excite!’

“Kasi pag na-excite ako masa-sad ako kapag hindi natuloy, e.

“So until now actually, until nagte-taping kami.

“Kasi anything can happen pa rin, di ba?

“So sana...

“Yung feeling lang na Superstar siyempre, before pa ako ipinganak nga, idol na siya ng marami.”

AWESTRUCK WITH DIREK GINA

Nabanggit naman ni Mike ang rason kung bakit siya naging isang Kapuso.

Lahad niya, “Lola ko lalo na, lola ko!

“Sobrang GMA fan ang lola ko, ever since.

“One of the reasons why I went to GMA in the first place is because of my lola.

“Nae-excite akong… iyan, 'tapos collaboration with Direk Gina [Alajar].

“Pag nasa set kami, ang dami kong moments na, 'Oh my gosh, nangyayari ba ito? Eto, totoo, nagba-block [blocking] si Direk Gina.’

“Natatakot ako pero ibinubulong ko sa sarili ko na, ‘Huwag kang matakot, lalo kang hindi makakatrabaho pag natakot ka!’”

Saan siya natatakot?

“Pag nagkamali.

“First heavy drama ko ito.

“'Tapos si Direk Gina, ang galing ni Direk Gina!” pagpuri niya.

PRESSURE

Kaya bukod sa katrabaho niya ang Superstar, surreal din ang experience ni Mikee na ang direktor nila sa Onanay ay ang actress/director na si Gina Alajar.

Pahayag niya, “Pati po the whole cast, everyone, everything...

“Pati yung pressure, yung papalitan naming show.

“We’re all praying.”

Ipinagdadasal raw nila na tulad ng papalitan nilang Kambal, Karibal ay maging isang malaking tagumpay ang Onanay.

Gaganap si Jo Berry sa Onanay bilang si Onay; si Mikee bilang si Maila at si Kate Valdez bilang si Natalie, na mga anak ni Onay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May special participation sa Onanay ang Superstar na si Ms. Nora Aunor bilang si Nelia.

Kasama rin sa Onanay si Ms. Cherie Gil bilang Helena; Gardo Versoza bilang Dante; Wendell Ramos bilang Lucas; Rochelle Pangilinan bilang Sally; Vaness Del Moral bilang Imelda; Enrico Cuenca bilang Oliver; at and special guest na si Adrian Alandy bilang Elvin.

Magsisimula na ang Onanay sa Lunes, August 5, sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN