Kate Valdez on being compared to Liza Soberano: "Totoo na mas maganda talaga sa akin si Liza."

IMAGE Noel Orsal

Kate Valdez (in photo) on being compared to Liza Soberano: "It's flattering pero siyempre, may kapalit din po kapag ganun na pinupuri kami. Pero ganun po, take it or leave it."

 



Katulad sa Encantadia, muling pinagsama ng Kapuso network ang dalawang promising stars na sina Kate Valdez at Mikee Quintos.

Mapapanood sila sa Onanay, ang bagong prime-time series ng GMA-7, na ie-ere ang pilot episode ngayong gabi, August 6.

Parang silang dalawa talaga ang pinagsasabay ng GMA bilang bida, bida/kontrabida.

“Parang ganun na nga po, para na kaming loveteam,” natatawang sabi naman ni Kate nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Iba po kasi yung sa Encantadia. Parang dun nila nakita yung chemistry namin ni Mikee.”

Tila natigilan naman si Kate nang sabihin namin kung okay lang nga sa kanya na ‘kontrabida’ rito.

“Kontrabida? Hindi naman po actually…. Actually, ine-expect ko nga po yung mahirap na role yung sa akin, tapos biglang binigay sa akin yung mayaman. Oops, paano, okay lang naman sa akin,” nakangiti niyang sabi.

Sa trailer ng Onanay, makikita na tila si Kate ang masungit, mataray sa kanilang dalawa ni Mikee na parehong gumaganap na mga anak ni Jo Berry bilang si Onay.

“Parang pinakita lang po agad yung character ko talaga. Pero, hindi pa po tayo darating dun.”

Okay naman daw kay Kate ang tila bida/kontrabida role, pero gusto rin daw niyang magampanan ang mga karakter tulad ng napupunta kay Mikee na mabait lang.

Kung tutuusin, masuwerte rin sina Kate at Mikee dahil halos malalaking proyekto na pang-primetime series ang ibinibigay sa kanilang dalawa ng GMA-7.

Ayon sa Kapuso star, “Dito pa lang po, pinagkatiwala nila sa amin itong project na ‘to ng GMA. Grabe na yung pressure pero nararamdaman ko po na may tiwala sila sa amin.”

Isa sa magandang oportunidad pa raw na dumating sa kanya sa prime-time series nila na magpa-pilot na ngayong gabi ay ang maka-trabaho ang mga batikang artista tulad ng Superstar na si Nora Aunor at si Cherie Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang blessed po,” saad niya.

“Noong bata pa lang po ako na pinapanood ko sila, ngayon, ka-eksena ko na sila.

“It’s a dream come true at hanggang ngayon, para siyang panaginip. Hindi ko ine-expect. Nasa loob ba ko ng panaginip ko, hindi ako nagigising, nandito na lang ako,” natatawang sabi niya.

Si Cherie ang madalas niyang ka-eksena. Hindi ba siya nai-intimidate?

“Actually, nai-intimidate rin but tinutulungan niya ko na hindi ko maramdaman ang weight na yun. Sometimes. Kapag may eksena kami, [sinasabi niya] 'iha, you relax.' Sabi ko, opo but deep inside...” natawang pag-amin ng 17-year-old actress.

Kumusta sila off-cam?

“Siyempre po kapag sa eksena, you have to be on character pero kapag off-cam, chikahan na.”

Napapa-English na rin ba siya?

“Opo, minsan. Pero si Ms. Cherie naman, tutulungan niya ko sa English, tutulungan ko naman siya sa Tagalog.”


ON BEING LOOKALIKE OF ABS-CBN STARS.


Madalas masabihan si Kate na kahawig niya ang dalawang ABS-CBN stars na sina Angel Locsin at Liza Soberano.

At dahil dito, nakatatanggap daw siya ng pangba-bash dati. Pero hindi na lang daw niya ito pinapansin.

Sabi ni Kate, “Actually, hindi naman po ganun kalaking bash yun. Yung mga sinasabi lang na mas maganda si Liza, pero tanggap ko naman po yun, e.

“I mean, it’s okay with me at hindi po kailangang makipag-kumpetensiya. Alam ko naman po. Totoo na mas maganda talaga sa akin si Liza.”

Naapektuhan ba siya kapag nakukumpara siya sa iba?

“Kapag lang po napupunta na sa personal. Kapag masyado nang bad. Kasi, parang wait, teka lang, tao rin ako, may nararamdaman din. Pero, siyempre po, it’s their opinion and I respect it.”

Para kay Kate, nakaka-flatter sa kanya na kinukumpara siya sa Kapamilya actress.

“Yes po, it’s flattering pero siyempre, may kapalit din po kapag ganun na pinupuri kami. Pero ganun po, take it or leave it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN