Excited si Joshua Garcia sa pagsisimula ng Ngayon At Kailanman. Para sa kanya, malayo man ang karakter niya bilang Inno Cortes sa kung ano siya sa totoong buhay, ang pagmamahal nila ng sa kanilang pamilya ang pinagkapareho nila ng karakter na ginagampanan.
Aniya, "Excited kami sobra kasi after ng pagbusisi, pinaghirapan namin yung pilot, after mangarag, heto na kami, ipapalabas na kami sa telebisyon after FPJ's Ang Probinsyano.
"Siguro yung pagmamahal ko lang sa pamilya ko, pag-care ko sa kapatid ko. Kahit wala na ako, ibibigay ko pa rin sa kapatid ko pag mayroon ko."
Para kay Joshua ang karakter bilang Inno Cortes ay napakalaking challenge sa kanya. Kumuha pa ng speech coach para sa mga English dialogues niya.
Kuwento niya, "Oo sobra, di naman kasi talaga ako nagi-English. Be confident, 'tapos yung posture ko, kailangan talaga nakatingala ka palagi.
"'Tapos yung tiyan ko stomach in kasi nakapolo ako dun palagi. Lahat ng eksena ko nakaganyan ako, ang hirap.
"'Tapos yung mga English naman kahit gaano kahaba, natatrabaho naman, kaya naman, tiyaga lang."
Masaya naman si Joshua sa suporta na tinatanggap niya mula sa production at sa reel- at real-life sweetheart na si Julia Barretto.
"Nagpapasalamat ako sa direktor namin kaso sobrang matiyaga nila, yung pasensiya nila kahit paulit-ulit na ako, e, di napapasagot.
Nagpasalamat din si Joshua kay Julia gamit ang kanilang term of endearment na "Baba."
"'Salamat din sa iyo Bab.'
"Kasi kaeksena ko ito sa mga ekena, kahit paulit-ulit okay lang sa kanya. Thankful ako kasi kahit papaano may alam akong kaunti sa English kasi nakakasama ko ang pamilya ni Julia."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Joshua sa press conference ng Ngayon At Kailanman sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.