Manolo Pedrosa feels at home as Kapuso

IMAGE Rose Garcia

Manolo Pedrosa is all fired up to be acting again after two years of hiatus: "Na-realize ko na ang passion ko talaga is to act. Gusto ko yung inaaral ang character, gusto ko yung psychology side of it, yung character analysis."


"Very warm po ang welcome sa akin ng GMA, and I’m very excited to work again now under Kapuso,” masayang pahayag ni Manolo Pedrosa.
 
Si Manolo ang bagong Kapuso star na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN nuong 2014 kung saan nakilala rin sila ni Maris Racal bilang love team.

Lumabas si Manolo sa ilang programa ng Kapamilya network pagkalabas niya ng PBB at isa sa mga huling ginawa niya ay ang Oh My G!
 
Dalawang taon na tumigil sa showbiz si Manolo para tuparin ang pangako niya sa kanyang mga magulang na ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

Aminado si Manolo na after PBB, tila naging mabilis ang lahat sa kanya noon sa edad na 16.  

Nakatulong din daw sa kanya na pansamantalang nawala sa showbiz dahil mas nakita niya kung ano talaga ang gusto niyang gawin.
 
"Doon ko talaga na-realize na gusto ko pa lang umarte.  

"Yung time na nag-aaral lang ako… na-realize ko na ang passion ko talaga is to act.
 
"Yun, tinawagan po ako ng manager ko na si Jun Reyes, I told him that I want to go back to showbiz.  

"Sabi niya, ‘Manolo, why don’t you try GMA?’  
 
"First choice ko po talaga was to go back to ABS-CBN since doon naman po talaga ako nag-start.

"Pero yun nga po, sabi ni Kuya Jun bakit hindi namin i-try ang GMA.

"Sabi ko, ‘Why not, that’s a different opportunity.’

"And that’s how you get an opportunity talaga, so here I am now as a Kapuso.”

"Siyempre, very grateful pa rin ako sa ABS, doon po ako nanggaling from PBB.  

"Doon ako nabigyan ng break and very grateful pa rin po."

PASSION FOR ACTING

Sabi pa ni Manolo, parang ang bilis ng mga nangyayari dahil ilang araw lang nang pumirma siya ng co-management contract sa GMA Artist Center ay nag-taping na agad ito para sa Pamilya Roces.
 
"That means sobra ang tiwala ng GMA sa akin kaya sobrang grateful ako, kailangan ko rin na ibigay yung best ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mag-workshop, work hard in terms of acting, make my body look better para masuklian ko rin po yung tiwala nila sa akin."
 
Nag-audition raw siya para sa Pamilya Roces na ang director ay si Direk Joel Lamangan.
 
Ayon kay Manolo, “Gusto ko po ang style of work niya, yung straightforward, hindi ini-spoonfeed yung actors.

"We have to know our job as an actor, I like that because I can put my personal work in the craft.
 
"Nagamit ko rin po ang mga natutunan ko sa college, so mas mature na po ako… best teacher is experience. 
 
"Kung anuman po ang natutunan ko sa ABS, sa college, lahat po yun nadadala ko pa rin."
 
Ano ang pinaka-namiss niya sa pag-arte?
 
"Gusto ko yung inaaral ang character, gusto ko yung psychology side of it, yung character analysis. 

"'Tapos, i-a-apply ko ang personal ko sa charater na yun na for me, it's a beautiful experience."

NICE PEOPLE

Masaya raw siya na halos lahat ng mga bagong nakikilala niya sa Kapuso network ay mababait.
 
"I’m really very grateful po talaga."
 
Makakasama niya sa Pamilya Roces ang bagong Kapuso rin na sina Jasmine Curtis-Smith at si Gabbi Garcia.  

Reaksiyon ni Manolo, “Very excited po, sina Gabbi at Jasmine na po yun… sila rin po talaga ang mga gusto kong makasama.
 
"I did scenes with them and sobrang exciting, after years na hindi ako nagtrabaho, I’m finally back."

May balitang siya ang bagong leading man ni Gabbi, pero wala raw siyang alam tungkol dito.
 
 Sino pang Kapuso ang mga gusto niyang makasama?
 
"Sila po talaga, also po sina Bianca Umali, Kyline Alcantara, and Sanya Lopez po."
 
Third year college na sa kursong Entrepreneurship si Manolo sa University of Asia and Pacific, pero hindi raw siya nanghihinayang na pansamantala munang titigil at posibleng ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng Open University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran niya, "Para po kasi sa akin, yung college ay kung ano ang natutunan mo, e, ginagamit ko hanggang ngayon ang mga natutunan ko sa college, and I’ll still continue naman po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN