Singer-actress and '80s star Lilet returns to GMA-7 after being with ABS-CBN

by Rose Garcia
Aug 24, 2018
Lilet returns to GMA-7 where she grew up as part of That's Entertainment. Lilet considers her comeback  as part God's plan. "Yung pagbabalik ko kasi, hindi ko plinano. It's God's ordain. Kasi, hindi ko naman sinabi na itong year na to, babalik ako. Bigla lang nag-open ng door."


Maituturing na homecoming sa GMA Network ni Lilet Esteban, o mas kilala bilang Lilet, ang kanyang role sa bagong Kapuso serye na My Special Tatay.

Matagal na panahon ding namahinga sa showbiz si Lilet, na nakilala bilang singer at kabilang sa Kapuso talent-variety show ng namayapang si German Moreno na That's Entertainment noong '80s at '90s.

Nagbalik-telebisyon si Lilet noong 2015, ngunit ito ay sa programa ng ABS-CBN na Forevermore. Matapos nito ay nag-guest pa siya sa maraming shows sa Kapamilya network.

Ngunit ngayon ay muli siyang nasa kanyang original na tahanan, ang GMA-7.

Masayang-masaya siya nang malaman na may offer sa kanya ang Kapuso network.

“Nakakatuwa kasi, naisipan naman ako ng GMA na imbitahan dito sa Kapuso bilang isang aktres," ani Lilet. "Kasi, dito ako lumaki. Playground ko to. Dito ako nag-teenager, sa That’s Entertainment before.

“And, finally ngayon nabibigyan ako ng pagkakataon.”

Natuwa raw talaga siya na muli siyang nagbabalik-Kapuso. Ang huli pa raw niyang ginawa sa GMA ay napakatagal na raw talaga.

Ayon kay Lilet, “Actually, nakakatuwa. Sabi ko nga, may kakilala pa kaya ako run, sa GMA? Kasi ang tagal kong nawala.

“Pero it doesn’t matter, kasi warm naman lahat kahit hindi ko pa kilala. Actually, sabi ko nga, at home pa rin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lilet kamakailan sa story conference ng My Special Tatay.

Ayon kay Lilet, “By far, sa lahat ng mga nagawa kong soap, ito yung pinaka-challenging kasi heavy drama. Hindi ko lang puwedeng sabihin yung mga eksena, pero sabi ko, wow, kakayanin ba natin? Sige, kakayanin natin,” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganap si Lilet bilang ina ni Ken Chan, na merong intellectual disability.

"Mag-isa lang akong nagre-raise sa kanya dahil naghiwalay kami ng Dad niya," kuwento ni Lilet tungkol sa kanyang role. "Ni-raise ko siya na hindi ko pinaalam na may Dad siya dahil ayoko siyang masaktan."

Una raw silang nagkita ni Ken nang magkaroon sila ng workshop para sa Kapuso teleserye. Natuwa si Lilet dahil mabilis daw silang nagkapalagayan ng loob.

“Mabilis kaming nag-click,” saad niya.

“I love him agad-agad,” natawa pang sabi ni Lilet.

“Kasi sabi ko, kahit hindi mo pa siya kausap nang matagal, kind eyes. Kapag tinitigan mo ang mata niya, parang mabait 'tong batang 'to. Magiliw siya, welcoming.

“Tapos yun, binalita niya sa akin agad na yung Mommy niya raw, favorite raw pala ko. Yun pala, batchmate pala kami, magkasing-age.”

GOD'S PLAN

Unang nakilala at sumikat si Lilet bilang isang singer. At sigurado, lalo na ang mga batang '80s ay hindi makalilimutan ang ginawa niyang TV commercial ng isang brand ng softdrink at ang kantang "Tomorrow’s People" na kinunan pa sa England.

Pero sa ngayon, sa pagbabalik niya sa showbiz, sa acting siya nagkaroon ng oportunidad. Wala pa raw nagbubukas na pintuan sa kanya para balikan niya ang recording.

“Yung pagbabalik ko kasi, hindi ko plinano. It’s God’s ordain. Kasi, hindi ko naman sinabi na itong year na 'to, babalik ako. Bigla lang nag-open ng door.

“Kasi nung time na yun, bigla lang nag-open ang door.

“And nung time na yun, nagwa-wonder-wonder na ko, parang okey lang gawin yung mga soap. 'Tapos, nag-open yung door.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Happily married daw si Lilet sa kanyang mister na isang pastor ng Victory Christian Church. Meron silang isang anak na babae na 11 years old.

Suportado naman daw siya ng kanyang asawa sa kanyang showbiz career.

“Both of them are very supportive, excited nga sila rito sa soap. Ang husband ko naman, supportive siya kasi nga para sa kanya, kung in-equip ka ni Lord ng ganyan na gift, you should be using it.”

Natawa si Lilet nang tanungin namin kung walang restriction ang asawa niya sa pag-aartista niya.

“Meron,” natatawang sagot niya.

“Walang kissing scene, bed scene. Malinaw naman sa production.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lilet returns to GMA-7 where she grew up as part of That's Entertainment. Lilet considers her comeback  as part God's plan. "Yung pagbabalik ko kasi, hindi ko plinano. It's God's ordain. Kasi, hindi ko naman sinabi na itong year na to, babalik ako. Bigla lang nag-open ng door."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results