Ina Raymundo on accepting roles now: "Probably no more sexy-sexy."

IMAGE Noel Orsal

Ina Raymundo says about accepting roles now: "Probably no more sexy-sexy nga, e. Siguro kung meron man, konting-konti lang."


Masaya si Ina Raymundo sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, kahit hindi siya exclusive contract star ng Kapamilya network.

Nakangiti niyang pahayag, “I’m so happy lalo na nung bumalik ako sa La Luna Sangre. Ganon naman nga, e, one show, dalawang show tapos after that sa kabila.

“Parang ganon ang nangyayari sa aming mga walang kontrata.

“Siyempre you cannot overstay din, e, gusto nila bagong face.”

Naging artist din si Ina ng GMA-7, at ginawa niya ang mga Kapuso shows na Marimar, The Millionaire’s Wife, at Trops.

Aniya, “Ang dami ko rin doon na sunud-sunod. So after a while, bumalik rin ako [dito], after three years.

“Actually, on and off. Matagal na akong may ginagawa sa ABS. After I gave birth, like yung isa Midnight Phantom, yung mga magaganda kong ginawa.

“Then after that I would get pregnant. So, this time no more babies kaya mas dire-diretso yung work.”

Exclusive na nainterview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ina matapos ang presscon proper ng teleseryeng pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang Ngayon at Kailanman. 

Pahayag ni Ina, “Basta I feel blessed nga na, kasi very open naman ako sa mga roles na ibinibigay sa akin. Hindi ako [mapili]. Basta maganda, kahit maliit lang yung role.

“I’m very open in to it. Kahit maliit yun, puwede mo naman siyang gawing interesting, di ba? So, yun ang habol ko.”

Bagamat nakilala sa pagpapasexy si Ina noong kapanahunan niya, may pagbabago na sa mga roles ng kanyang acting projects ngayon. 

“Probably no more sexy-sexy nga, e.  Siguro kung meron man, konting-konti lang. Like ito,  hindi talaga sexy yung role ko," kuwento ni Ina tungkol sa karakter niya sa Ngayon at Kailanman. 

“In fact, yung role ko dito, nagka-nervous breakdown. Yung character ko si Odessa, nabaliw pero gumaling. Kasi nawalan siya ng anak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Ina, “Mas challenging yung mga roles ko ngayon. I’m thankful nga na yung mga binibigay na roles sa akin ganon, challenging, yung kakabahan ka.

“Mahirap yung pilot week ko dito na nagka-nervous breakdown. Tinatanong ko kung paano ba yun? After few years, ano ba? Catatonic, yung mga ganon.”

Tanong ng PEP kay Ina: nag-adjust na ba ang asawa niyang si Brian Poturnak sa kanyang showbiz career? 

Nagningning muna ang mukha ni Ina na nagpapakita ng kanyang kasiyahan at saka sumagot.

"I guess so.  Never naming naging problema or issues ang career ko, napaka-supportive. I think it's what happens when you have a foreigner dyowa," ani Ina, na ginamit ang gay slang para sa salitang asawa.

Patuloy niya, “Eighteen years na kaming magkasama, pero 15 years na kaming married. Like si Iza [Calzado], ini-interview ko siya, very supportive din yung fiancé niya.”

Ang fiancé ni Iza na si Ben Wintle ay British-Filipino.

May advice ka ba kay Iza?

“Hindi naman siya humihingi ng advice. Mahirap magbigay ng advice, baka sabihin... I think she knows what she’s doing, and they’ll make a great couple ang they’ll make beautiful babies. They’re both good looking, di ba?”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN