Is Julia Barretto ready to do a love scene for a teleserye?

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto on Joshua Garcia: "I'm very, very proud of this guy."


Gaganap si Julia Barretto bilang Eva sa Ngayon at Kailanman, ang teleserye nila ni Joshua Garcia sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para kay Julia ay marami silang pagkakapareho ng karakter na gagampanan.

Aniya, "It feel so good, so excited, so thankful, so humbling, so everything. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya, excitement. Sobrang pasasalamat kay Lord, of course.

"Ako siguro as Julia very ano din ako, very free spirited, alam niyo may pagkakalog din ako.

"Excited ako kasi kay Eva mailalabas ko pa siya. Mas kengkoy, mas masayahin, pala-joke, sasabihin kung ano ang gustong sabihin. Very positive."

Sa presscon proper ng Kapamilya teleserye ay nabanggit ni Julia na ready na siyang gumawa ng ilang daring at mature scenes sa pinagbibidahang serye.

"You know what, we have really, really good writers. I trust that matitimpla nang maayos yung mga intimate scenes. I know na they gonna make it of course age-appropriate pa rin, siyempre medyo mature na.

"Joshua and I are getting older na rin, I guess more matured. We gonna appreciate it if we will be able to explore, take a few risks para lang mas totoo, mas realidad."

Ngunit nilinaw din ni Julia ang mga limitasyon niya.

"Sobra naman yung love scenes, wag naman muna please. Sana kung kissing, sana sa pelikula muna."

Aminado si Joshua na nahihirapan siya sa role niya sa Ngayon At Kailanman dahil isang mayamang Inglesero ang papel niya sa serye. Proud na proud naman si Julia sa nakikitang effort ng kanyang leading man.

"I'm so proud of Josh, he is willing to grow and learn. Kasi di ba other people pag sinabi mong learn something, they're like, 'Hindi, magpapakatotoo ako sa sarili ko. Ito ako, ganito ako pinalaki.'

"People are not actually asking you to change. It's parang...your willingness to grow, to expand your knowledge, to be able to communicate with a lot of people. And for you to be confident of yourself especially pag interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very, very proud of this guy."






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN