Ken Chan comments on his first father role in new afternoon series

by Arniel C. Serato
Aug 29, 2018
Playing a father role for the first time in My Special Tatay excites Ken Chan because "sa totoong buhay hilig ko po talaga ang bata."


Hindi daw kabawasan sa isang artista ang gumanap bilang tatay sa isang teleserye ayon kay Ken Chan. Magbabalik-teleserye ang GMA-7 star ngayong Setyembre sa kanyang kauna-unahang father role.

Kuwento pa ng 25-year-old Kapuso actor, “Hindi naman po. Katulad naman po...ako po kasi first time kong maging tatay sa isang teleserye, pero kasi sa totoong buhay hilig ko po talaga ang bata kaya hindi po malaki ang adjustment ko pagdating sa kapag ka-eksena ko po yung baby.”

Ang huling full-length teleserye ni Ken sa GMA ay ang Meant To Be sa primetime ng Kapuso network kasama sina Barbie Forteza, Addy Raj, Jak Roberto, at Ivan Dorschner kung saan nagpapakilig sila sa mga teenagers.

Naniniwala ba siya na kapag ang artista ay gaganap ng nanay o tatay kahit hindi pa naman matanda ay nawawalan na ng prime o karisma sa mga viewers?

Tugon ni Ken, “Hindi po totoo yun. Kaya naman po tatay yung role ko dito, yun ang pinaka-core ng istorya.

"Ito ay about sa mga ama, tatay, daddy, papa, lolo, tito, about sa may mga anak.”

Kaya wala daw problema sa kanya ang gaganap bilang tatay dahil napakaganda raw ng istorya ng My Special Tatay.

Saad pa niya, “Oo naman po. Wala pong problema sa akin na magiging ama sa istorya lalo na sa story ng My Special Tatay.

"Noong nabasa ko po at in-offer sa akin ito, hindi ako nagdalawang isip na tanggapin to.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang press si Ken sa grand mediacon ng My Special Tatay kagabi, August 28, sa 17th floor ng GMA Network building sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Ken, kasama rin sa press presentation ang iba pang cast members ng show kabilang na sina Jestoni Alarcon, Teresa Loyzaga, Carmen Soriano, Lilet, Candy Pangilinan, Arra San Agustin, Rita Daniela, Jillian Ward, Bruno Gabriel, at ang bagong child star na si JK Giducos.



CAREER DEMOTION?

Hindi rin daw maituturing na career demotion para sa isang artista kapag nagbida na sa primetime tapos biglang ibalik sa afternoon timeslot ang susunod nitong palabas.

Saad pa niya, “No, no. Hindi po. Kapag kasi, kapag sinasabi nila nag-primetime ka at naging nag-panghapon ka, parang sinasabi nila na bumaba ang kalidad mo bilang aktor, na bumaba yung prime.

“No, it’s not. Actually mas nakakakaba po ang panghapon natin, kasi ang panghapon natin consistent na mataas [sa ratings] sa matagal na panahon sa loob ng maraming taon.

“Yung mga palabas natin sa GMA Afternoon Prime ay ipinagmamalaki ng GMA-7 at sobrang suwerte ko po na from Destiny Rose na ipinalabas sa hapon, nagbabalik po ako sa Afternoon Prime.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakaka-miss, nakaka-miss ang audience ng Afternoon Prime kasi dito sa Afternoon Prime, nandito yung mga nanay, nandito yung mga nagpapahinga sa bahay, yung mga bata na galing sa school at excited kami dahil mapapanood nila ito.”

Magsisimula na ang My Special Tatay sa darating na September 3, sa GMA Afternoon Prime kung saan papalitan nito ang babakantehing timeslot ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.


Read Next
Read More Stories About
Ken Chan, GMA Afternoon Prime
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Playing a father role for the first time in My Special Tatay excites Ken Chan because "sa totoong buhay hilig ko po talaga ang bata."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results